May Victor Magtanggol Rewind mamaya para sa mga hindi nakapanood ng pilot week ng show

GORGY RULA: Magkakaroon ng rewind ng Victor Magtanggol ngayong araw, August 5 mamayang 3:30 ng hanggang 5:25 ng hapon.


Maraming reklamo raw na nakarating sa kanila na hindi raw nila nabuo ang panoood ng pilot week ng naturang telefantasya ni Alden Richards dahil sa nagkaroon ng signal interruption sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya pagbibigyan nila ang hiling ng mga supporters ni Alden Richards na gusto nlang mapanood uli ang pilot week ng Victor Magtanggol.

Tinawag nilang Victor Magtanggol Rewind ang recap ng mga mahahalagang tagpo na napanood ng buong linggo.

JERRY OLEA: Anong klaseng superhero ba si Hammerman—astig o pakyut?

Nakakalokah na kapa-pilot pa lang ng Victor Magtanggol at ine-establish pa lang ang tandem nina Alden Richards and Janine Gutierrez, hayan at pinasiklab na ang bagong patalastas ng AlDub.

Tumpak ba ang timing niyon para sa primetime telefantasya ng Pambansang Bae?

Oh, well... mahirap makipagsabong sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Subaybayan natin ang ratings ng Victor Magtanggol kung ang mga iyon ay spaghetting pataas, o spaghetting pababa nang pababa.

NOEL FERRER: Good luck sa rewind. Magiging mas astig at mabangis ba si Alden sa rewind?

Mas magkakaroon ba sila ng chemistry ni Janine sa mga susunod na episode?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas tataas ba ang ratings nila sa rewind?

Sana.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close