Martial law victims, nag-walkout sa gala night ng Cinemalaya entry na ML

by PEP Troika
Aug 6, 2018

NOEL FERRER: Isang martial law victim ang nag-walkout sa CCP Main Theater habang ipinalalabas ang pelikulang ML ni Benedict Mique.

Entry sa ginaganap na Cinemalaya ang ML, na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Tony Labrusca sa direksiyon ni Benedict Mique Jr.


While this may spark a good discussion and even generate interest in the film, ang sabi ng naturang personalidad (na ayaw pabanggit ng pangalan), “Hindi ko kinaya ang ginawa nilang pagku-commercialize ng sinapit namin na torture noong panahon ng martial law.

“Ginawang horror and massacre film ang aming pinagdaanan na naging simplistic at salat sa pagsusuri ang pagto-torture sa amin.”

Sa pakikipag-usap ko sa creative consultant ng ML na si Elmer Gatchalian, conscious na decision ng filmmaker ang ganung treatment para maabot daw ang millennials at mapabatid sa kanila ang horrors ng martial law.

Pero ang tanong naman ng isang direktor: “But does it have to be reductive and exploitative and prurient devoid of any careful analysis of the martial law era?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Obviously, maganda ang intensiyon ng pelikula. I was just bothered and disturbed na yung violence na tinutulan natin noong martial law ang siyang walang habas na ginamit din para lang maging mabenta ang pelikula.

JERRY OLEA: May isa pang martial law movie sa Cinemalaya 2018, itong Liway na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Iba ang treatment nito kesa sa ML.

May buzz ang performance dito ni Glaiza, at sold out ang 3:30 p.m. screening nito noong Sunday (August 5) sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP.

Kani-kanyang trip, kumbaga. To each his own.

GORGY RULA: Isang kaibigan din ang nakapanood sa gala night ng ML kagabi, August 5, ang nagkuwento sa aking nakita niya ang anak ng isang martial law victim na lumabas na umiiyak.

Nasaktan daw ito na habang pinapanood ang torture scene sa naturang pelikula, nagtatawanan ang mga tao.

Nakakainsulto raw, lalo na’t alam nito ang pinagdaanang hirap ng kanyang magulang.

Sa totoo lang, mataas ang expectations namin sa pelikula dahil nung nagbigay ng halos 30 minutes na intro ang director nitong si Benedict Mique Jr., pawang magagaling ang lahat na taong involved sa pelikula.

Tuwing ipinapakilala niya ang bawat miyembro ng production staff, magagaling sila, the best.

Kaya inaasahan kong maganda talaga ang kalalabasan ng pelikula.

Pero yun lang naman pala.

Kaya gusto kong iparating sa iba pang martial law victims na huwag na lang nilang panoorin ang pelikulang ito, at baka lalo pang lumalim ang sugat na nakuha nila sa karanasang yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results