Kiko Matos, walang takot na nag-frontal nudity sa Cinemalaya short film entry

by PEP Troika
Aug 6, 2018

JERRY OLEA: Pwetmalu sa 14th Cinemalaya ang mga bida ng The Lookout na sina Andres Vasquez at Jay Garcia, ganun din ang suporta sa short film na Kiko na si Neil Suarez.

Kabog sila sa frontal nudity ni Kiko Matos sa short film na You, Me and Mr. Wiggles (19 minutes 6 seconds, directed by Jay Velasco).


Experimental ang comedy-drama na ito, rated R-18, at nagtatampok din kay Elora Españo.

Ang buod: “Carlo and Anj is a couple who seem to have it all, except for one thing—Carlo’s erection.

“One ordinary night turns into an evening filled with emotional landmines as it challenges their relationship and force themselves to ask, can love conquer erectile dysfunction?”

Nagmamatigas ang sagot!

Sa CCP lang palabas ang short film na ito, waley sa Greenbelt 1, UP Town Center, Glorietta 4, Trinoma, at Legazpi (Albay).

THTH (Too Hot To Handle)?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Linggo (Agosto 5), wala pang alas dose ng tanghali, pumila ako sa takilya para bumili ng tiket (P150) para sa 3:30 p.m. screening nito sa CCP Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo).

Anak ng talong!

Balcony tickets na lang ang available!

At bago ako pumasok sa venue, may nakapaskel sa may pasukan, “ADVISORY: YOU, ME AND MR. WIGGLES contains mature subject matter that might not be suitable for younger, more impressionable audiences.”

Aba, aba, abaruray!

Punuan maski sa balcony!

Experimental nga ang pelikula—tuhog!

Nakatutok lang ang kamera sa ating mga bida.

Babad ang pagbubuyangyang ni Kiko. Kumurap-kurap ka man ay masisilayan at masisilayan mo ang kanyang pototoy.

TH (trying hard) si Kiko na manatiling “in character” bilang lalaking hirap tigasan.

Kuwento ng showbiz veteran na katabi ko sa panonood ng You, Me and Mr. Wiggles, “Tigasin iyang si Kiko, e! Nagka-erection iyan sa love scene nila ni Krista Miller sa pelikulang Hukluban.

“Kaya siguro um-exit frame muna siya at pagbalik niya, hayan at semi-erect ang supposedly kuluntoy na hotdog niya.”

Walang nag-walk out sa balcony ng CCP Main Theater habang palabas ang short film na ito.

NOEL FERRER: In fairness kay Kiko Matos, maayos din ang kanyang Beastmode documentary na siyang ipinalit sa pinull-out na Citizen Jake ni Mike de Leon.

Hassle nga dahil ni-refund ang mga perang naibayad na sa mga ticket.

Credit Kiko for being brave to take on such projects na nagiging significant at pinag-uusapan.

JERRY OLEA: Ayon sa Facebook page ng short film nina Kiko & Elora:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“True to its goal of truth and raw emotion, You, Me and Mr. Wiggles is a one shot film.

“No chance for the characters to hide in camera angles and cuts.

“We did lots and lots of rehearsals and it took us 22 takes to get the actual shot!”

Ang director ng Mamang (isa sa sampung full-length feature films ng Cinemalaya 2018) na si Denise O’Hara ay co-writer ng You, Me and Mr. Wiggles.

Sabi pa sa FB page ng short film, “The visual composition of You, Me and Mr. Wiggles is inspired by the infographics of the psychology of how couples sleep.

“The production process of the film was very particular with blockings and spacing of characters!”

GORGY RULA: Talagang ang frontal nudity ni Kiko Matos at ang butt exposure nina Andres Vasquez at Jay Garcia ang pinag-uusapan sa ilang araw ng Cinemalaya 14?

Namataan ko si Kiko sa CCP kahapon, August 5, na ang daming nagpa-picture sa kanya pagkatapos nilang mapanood itong short film na You, Me, and Mr. Wiggles.

So far, wala pa talaga yung napapag-usapan na magandang pelikulang nagmarka. Yung may"‘word of mouth" 'ika nga.

Ang buong akala ko pa naman, mas matino ang entries ngayong taon kung ikukumpara nung nakaraang taon.

Mabuti pa nga nung last year’s Cinemalaya, merong Respeto na pinag-uusapang maganda at umani pa ng awards sa ilang award-giving bodies.

E, ngayon, parang wala pa talaga.

Ang ilan lang sa naririnig kong pinuri ay ang performance ng mga artistang involved sa ilang full-length na pelikulang kalahok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ng acting ng mga bata sa School Service, nina Therese Malvar at Iza Calzado sa Distance, at si Glaiza de Castro sa Liway.

Sana bago matapos itong filmfest, mayroon talagang lulutang na magandang pinag-uusapan o yung puwedeng lumaban sa ilang international film festivals.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results