Dingdong Dantes, handang makipag-kissing scene kay Vice Ganda?

by PEP Troika
Aug 7, 2018

JERRY OLEA: Tuloy si Dingdong Dantes sa MMFF 2018 movie ni Vice Ganda na Fantastika: The Princesses, The Prince and the Perya.

Inihayag ito ng aktor nang mainterbyu namin nitong Agosto 6, Lunes ng gabi, sa CCP Main Theater, kung saan sumuporta siya sa gala ng Cinemalaya movie ni Ogie Alcasid na Kuya Wes.


Continue reading below ↓

“Shooting! Wala pa akong first day pero tuloy! Naka-schedule na! Tuloy!” nakangiting sabi ni Dingdong.

Kasama pa rin sa cast si Richard Gutierrez?

“Yeah! Yeah!” masayang bulalas ng Kapuso Primetime King.

“Very excited ako na makatrabaho siya.”

Ready ba siyang makipag-kissing scene kay Vice Ganda, if ever?

“Siya! Siya dapat ang tanungin ninyo!” mabilis na tugon ni Dingdong.

“Ako, ready ako sa lahat ng mga ano... lahat ng mga challenges bilang isang aktor, di ba?

“Saka siyempre, ano ‘yan... siya dapat ang makakasagot niyan!”

Siyanga pala, ikinakasa na ang susunod na teleserye ni Dingdong sa GMA-7 kung saan makakasama niya si Dennis Trillo.

GORGY RULA: Sana nga tuluy-tuloy ang shooting nito at walang maging problema sa cast.

Hanggang ngayon kasi, marami pa rin ang di makapaniwalang magsasama sa isang project sina Dingdong at Richard.

Ngayon pa lang nga ito nangyari, at sa pelikula pa ni Vice Ganda. Kaya kaabang-abang iyan.

Continue reading below ↓

Curious lang ako kung marami bang eksenang magkasama ang dalawa.

Saka sino kaya ang madalas na makakasama ni Vice? Si Richard o si Dingdong?

Naayos na kaya nila ang billing?

Feeling ko, parang tumutulay sa alambre ang production staff bago nila malagpasan iyan.

NOEL FERRER: Magandang abangan iyan!

Ako naman, excited ako dahil ang dating kasamahan namin sa MMFF Execom na si Moira Lang, na tunay ngang progresibo, ay kasama sa writing team ng pelikulang ito.

In the end, sa lahat ng ipinaglalaban niya sa MMFF, heto at kinikilala pa rin niya ang taunang festival na pinakamalawak at popular na suportado ng marami nating kababayan.

Welcome back, Moira!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results