JERRY OLEA: Isinanla ng writer-director na si Afi Africa ang bahay nila sa Rodriguez, Rizal para mabuo ang Cinemalaya 2018 entry niyang The Lookout.
Director Afi Africa (extreme left) with the cast of The Lookout
“Yes, that’s super-true po! Kasi, wala po akong enough producers,” namumugto ang mga matang lahad ni Direk Afi nang makausap namin matapos ang gala screening ng The Lookout nitong Agosto 7, Martes ng gabi, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theatre).
“As a matter of fact, this movie did not just make me homeless, but also my whole family.
“I’m really... so I don’t know what’s waiting for me after this, but I’m just so thankful, seeing the reaction of the people right now. I can’t believe it!
“I’m just thankful na finally, it’s over. And I don’t know what’s waiting for me in the industry.
“Pero right now po, seeing their reactions, I know po na part of myself is fulfilled.
“And thank you so much to all the people that supported our film! Thank you so much!”
Kaya ba siya nagsanla ng bahay ay dahil hindi agad nai-release ang seed money mula sa Cinemalaya?
“Even po may seed money, hindi po talaga namin kaya, na seed money lang,” madamdamin pa ring lahad ni Direk Afi.
“Seed money is just 750 [thousand pesos], and everyone knows about it. So, I badly need a lot of...
“As you can see, yung pelikula, andami pong locations! Andami pong nangyari sa pelikula!
“Pag nakita niyo po, isang location pa lang namin, almost P200,000 na po, para lang matapos na siya, sa isang location.
“So, just try to imagine, we have 19 different locations. So, talaga pong we badly need enough money.
“And that’s why po, kailangan ko po talagang isanla o ibenta yung kailangan kong maisanla at ibenta.”
Ayaw sabihin ni Direk Afi kung magkano niya isinanla ang kanilang bahay.
Gaano katagal bago iyon maremata?
“I hope po, I hope po, within one year, makuha ko iyong iba!” maigting na bulalas ni Direk Afi.
Tinapos ni Direk Afi ang shooting ng pelikula sa loob ng limang araw.
Nasa cast nito sina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, Yayo Aguila, Rez Cortez, at Efren Reyes Jr.
NOEL FERRER: Talaga, nagsanla siya ng bahay para sa pelikulang ito?
I cannot fault him kung passion project niya ito.
Choice ni Direk Afi ito, pero sana leveled ang kanyang expectations sa kalalabasan at return of investment ng ganitong pelikula, ha.
Nang mapanood namin ang The Lookout, hindi ako mapakapaniwalang puwedeng mag-exist ang ganitong panoorin sa panahong ito.
Nagulat ako sa napanood ko and I should have just, like the title said, looked out.
But like my ka-Troika here, we just enjoyed the ride, thinking that this film can become a cult classic na mala-Temptation Island. Huwaw!
GORGY RULA: Kung nagbenta raw si Direk Chito Roño ng dalawang kalabaw para sa Signal Rock, si Direk Afi Africa naman nagsanla ng bahay?
Gusto ko na tuloy mapanood ang Signal Rock kung karapat-dapat bang magbenta pa ng dalawang kalabaw para sa pelikulang yun.
Pero siyempre, alam ko namang eklay lang iyun ni Direk Chito. Gusto lang talaga niyang gawin ang pelikulang iyon.
Pero itong The Lookout na napanood na natin, hindi ko maubos-maisip kung paano mababawi ni Direk Afi ang ipinuhunan niya sa pelikula.
Iyong sinasabi niyang reaksiyon ng mga nanood nhg pelikula, talaga bang nagandahan sila o naaliw lang sa kababawan nito?
Sana may kasunod pa siyang project na ipagkatiwala sa kanya, dahil gustung-gusto naman si Direk Afi ng mga kilalang direktor na nakatrabaho niya.
Siguro willing naman silang tulungan ito para marami pa siyang matutunan sa pagdidirek.
May ilang magagaling na direktor ngayon na nagsimula naman sa kacheapang pelikula, pero nahasa at lumabas ang galing nila sa pagbuo ng isang matinong pelikula.