Ina Raymundo, lapitin pa rin ng mga manliligaw kahit may pamilya na ang aktres

by PEP Troika
Aug 8, 2018

GORGY RULA: Napasipol ang ilang kalalakihan nang ipinakilala si Ina Raymundo sa gala night ng pelikulang Kuya Wes sa CCP Main Theater noong Lunes, August 8.


Ang Kuya Wes ay entry ni Direk James Robin Mayo sa Cinemalaya 2018, at pinagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Kapansin-pansin kasi ang kaseksihan ng 42-anyos na aktres, na aminadong may mangilan-ngilan pa ring nagpaparamdam sa kanya kahit aware naman daw silang may asawa na siya.

Sabi nga ni Ina, may mga nagku-comment sa social media account niya na tila gustong pumorma.

Pero deadma na lang daw siya dahil tingin niya ay inappropriate na gawin yun sa isang happily married at may limang anak.

Masaya lang daw siya dahil sa magandang takbo ng kanyang career ngayon kumpara nung dalaga pa siya.

Sabi ni Ina, “Sa totoo lang, mas masaya ako sa ngayon.

"Kung ano yung nararating ko ngayon, masasabi kong proud ako.

“Kumpara dati na siguro mas maraming mga fans noon, pero hindi ako proud most of my work at that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So now, mas happy ako sa status ko sa showbiz.

"I would say, I love my job more than ever.

"Siguro when I was younger, I took it for granted, ganun yung tingin ko."

Kulang na lang sabihin ni Ina na gusto niyang burahin sa kanyang alaala ang career niya noon dahil sa mga matitinding intriga at kontrobersiyang kinasangkutan.

“Yung mga intriga kasi, yung mga controversy, mga intriga na wala namang katuturan, di ba?

"Ngayon, mas masarap yung buhay, saka mas napipili ko yung project na gusto kong gawin," dagdag niyang pahayag.

Ngayon lang siya nakapag-Cinemalaya at kakaibang experience daw pala ito

Kaya wish niyang mayroon daw siya uling pelikula na pang-Cinemalaya sa susunod na taon.

Thankful din si Ina kay Ogie, na hindi pa rin daw nagbabago mula nung nakasama niya sa ilang guestings niya sa Tropang Trumpo.


JERRY OLEA: Napaka-pathetic ng karakter ni Ogie Alcasid sa Kuya Wes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naalala ko sa papel niya ang karakter ni Allen Dizon sa indie movie ring Bomba, na nagpanalo rito ng ilang best actor awards.

Umaasa ba si Ogie na mag-best actor para sa Cinemalaya 2018 entry niya?

“Oh, no, no, no! Not at all! Not at all!” maigting na bulalas ni Ogie bago magsimula ang gala screening ng Kuya Wes noong Agosto 6, Lunes ng gabi, sa CCP.

“Ahh... happy lang ako na nandito ako!

“Kasi, alam mo yun... yung nabasa mo ang script, naniwala ka sa script, at tapos, andito na..

“Parang... yung part lang na yun, nakakatuwa!”

NOEL FERRER: That’s Ogie for all of us.

Always oozing with good vibes and pro-active charm, katulad ng role niya sa Kuya Wes. And he’s on a roll.

Pagkatapos ng Kuya Wes sa Cinemalaya, we are all looking forward to his 30th anniversary concert sa Araneta Coliseum, which, like his film, we will support!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results