Direk Jason Paul Laxamana, bakit irerekomenda ni Manay Lolit sa ibang producers?

by PEP Troika
Aug 8, 2018

GORGY RULA: Nagulat ang ilang miyembro ng movie press kay Manay Lolit Solis dahil aktibo itong sumali sa question-and-answer portion sa presscon ng pelikulang Bakwit Boys na ginanap sa Limbaga 77, sa Quezon City, kahapon, August 7.

Bumilib daw siya kasi kay Direk Jason Paul Laxamana dahil parehong nakakuha ng Grade A ang dalawang pelikula nitong kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino—itong Bakwit Boys at ang The Day After Valentine’s ng Viva Films.


Director Jason Paul Laxamana (center, in blue jacket) with the cast of Bakwit Boys

Sabi nga ni Kuya Mario Bautista kay Direk Jason Paul, magpasalamat siya dahil nagkainteres sa kanya si Manay Lolit dahil kapag nasa presscon ito, kapag nakuha na raw ang press kit, lalayas na ito, o kaya ay makikipagtsikahan na sa ibang reporters na parang may sarili na rin siyang pa-presscon.

Tingin daw kasi ni Manay Lolit, producer-friendly si Direk Jason dahil sinasabi nitong pinagkakasya lang niya sa budget ng production ang pelikulang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ire-recommend ko siya sa ibang producers. Ire-recommend ko siya sa Imus Productions kasi hindi pala siya magastos na direktor," bulalas ng talent manager at columnist.

Sabi naman ni Direk Jason Paul, siya raw talaga ang klase ng direktor na nag-a-adjust sa budget na kaya lang ng movie production.

“Ano po ako… I try to stick to the budget. Kung ano po yung budget, dun po ako mag-i-stick,” pakli niya.

“I’m willing to compromise, I’m willing to sacrifice certain ambitions just to meet the... kung ano man yung resources ng producer ko.

“Hindi lang po sa T-Rex kundi sa iba ko pa pong nakatrabaho na producer,” dagdag niyang pahayag.

Aware naman daw si Direk Jason Paul na mahirap bawiin ngayon ang ipinuhunan ng mga producer, kaya nagagawa raw niyang pagkasyahin ang ano mang meron ang kanyang producer.

“I acknowledge how hard it is na maglabas ng malaking pera sa isang pelikula at kung gaano po kataas yung risk, di ba po, para maibalik yung pinagpuhunan.

"Ganun po akong klaseng direktor,” saad pa ni Direk Jason Paul Laxamana.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero matagal bago nakasagot ang direktor sa kasunod na tanong ni Manay Lolit.

Kung papipiliin ng isa lang, alin sa Bakwit Boys o The Day After Valentine’s ang irerekomenda niyang panoorin ng mga tao?

Sabi lang ni Direk Jason Paul, “Malaking production na kasi ang sa The Day After Valentine’s, ang dami na nilang sinehan.

Itong sa Bakwit, hindi pa ganun kadami. Kaya mas kailangan namin ng tulong para itong Bakwit Boys ay manatili sa mga sinehan.”

JERRY OLEA: Napakapersonal para kay Direk Jason Paul itong Bakwit Boys.

Na-incorporate niya rito ang mga sariling karanasan mula pagkabata, hanggang sa mag-manage siya noon ng banda.

Siyempre, parehong mahal ni Direk Jason Paul ang dalawang entry niya sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21).

Pero nasa presscon siya ng Bakwit Boys nang usisain siya ni Manay Lolit kung alin sa dalawang entry niya ang kanyang irerekomenda sa mga manonood.

Alangan namang isagot niya na The Day After Valentine’s!

NOEL FERRER: I have always believed in Direk Jason Paul Laxamana.

Alam niya iyan at nagkakausap kami, not when times are extremely good for him, like, after maka-Grade A ang dalawang pelikula niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino, but during those times na nililibak siya ng ibang kasamahan natin sa industriya.

Mahusay at sobrang passionate sa kanyang ginagawa, I still look forward to doing a passion project on his material about a teacher leading a double life in Pampanga.

Bravo, Direk Jason Paul Laxamana!

Nami-miss ko na siya sa kanyang mga pelikulang tulad ng Magkakabaung, Babagwa, at kahit na ang Mercury Is Mine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results