Shooting ng pelikula ni Direk Peque Gallaga, nagkaaberya dahil sa landslide

Shooting ng pelikula ni Peque Gallaga, nagkaaberya dahil sa landslide
by PEP Troika
Aug 8, 2018

NOEL FERRER: Sa mga nagsu-shooting at taping ngayong tag-ulan, ibayong ingat ang kailangan.

Nagkaroon ng landslide sa set ng pelikulang Silay sa Teresa Marble, sa Rizal, kahapon, August 7.

Ang Silay ay ino-oversee nina Direk Peque Gallaga at Lore Reyes.

Ito yung Magikland na parang kapatid ng classic na Magic Kingdom.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Direk Jo Macasa na in-charge of production, “We had to pack up. Plus the water sa river was rising. We needed to cross the river kasi to get to the Marble mountain. Grabe sa buwis buhay.”

Dagdag pa ni Jo, “Direk Peque was on his way. Buti di pa siya nakarating. Pinabalik na namin.”

“One of our actors, si Dwight Gaston, hinarang na sa entrance ng location kaya di na siya umabot sa set because of the landslide.

"Ang nakakabilib, si Tata Rody Lacap [the award-winning cinematographer].

"Nakababa na lahat. Hinahanap namin siya, andun pa sa taas. Nagsu-shoot ng backplate. Ayaw bumaba until di natatapos.”

Isa si Miggs Cuaderno sa mga bida sa pelikulang ito.

Mayroon ding cameo rito ang ilang artista na all for the love of Direk Peque and Lore; tulad nina Jaclyn Jose, Cherie Gil, Agot Isidro, Rowell Santiago, Jackie Lou Blanco, Adrian Alandy, Ian Veneracion, Dingdong Dantes, Anne Curtis, at marami pang iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Ibayong ingat ang kailangan! Iwasan ang panganib!

Hindi worth it na may magbuwis ng buhay para lang mapaganda ang isang palabas!

GORGY RULA: Naku! Dagdag-gastos din ito sa production dahil ang pagkakaalam ko, ito yung malaking pelikulang gagawin ng film production ni Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Nabanggit niya noon na ipinapagawa niya si Direk Peque Gallaga ng isang malaking fantasy movie para sa panimulang promo sa bubuksan niyang malaking theme park sa Silay, Negros Occidental.

Hindi ko lang sure kung kakayanin bago sa deadline of submission ng finished films sa Metro Manila Film Festival 2018.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Peque Gallaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results