Rez Cortez, "nag-enjoy" sa sodomy scenes niya sa The Lookout

by PEP Troika
Aug 8, 2018

JERRY OLEA: Markado ang sodomy scenes ng beteranong aktor na si Rez Cortez bilang Timothy Solis sa Cinemalaya 2018 entry na The Lookout (idinirek ni Afi Africa).


Noong una, nilapastangan ni Timothy ang Uranus ng binatilyong George Limotog/Lester Quiambao (Nourish Icon Lapuz) bilang parusa rito.

Sa may ending ng psycho drama, ipinaluray ni George/Lester (Andres Vasquez) ang wetpaks ni Timothy sa yummylicious NBI agents na sina Marlon Reyes at Dennis Fernandez (Aries Go at Benedict Campos).

“Na kay Direk Afi ang zeal of doing good films,” napapangiting sambit ni Rez noong Agosto 7, Lunes, bago ganapin ang gala screening ng The Lookout sa CCP Main Theater.

“Marami kayong dapat i-lookout sa movie na ‘to dahil this is something different, something new, something exciting.”

Nagkaroon ba ng apprehension o second thoughts si Rez sa eksenang tinira siya ng dalawang lalaki?

Napangiting sambit ng aktor, “Nag-enjoy na nga ako, e! Parang... gusto ko... ituloy pa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biniru-biro pa ni Rez si Direk Afi na mag-e-emote siyang nasasarapan, ngunit ayaw itong pumayag.

Bonggacious din ang eksena sa movie na dinu-dog style ni Kardo (Alvin Fortuna) si Merlyn Limotog (Yayo Aguila).

Mabangis!

Kilig-kiligan naman ang mga manonood sa mga landian nina George/Lester at Travis Concepcion (Jay Garcia).

NOEL FERRER: No comment na ako diyan.

Marami na tayong nabasang items tungkol sa pelikulang ito na enough na para magkainteres ang mga manonood.

Ayaw ko ring mag-mislead ng mga tao at isipin na isang obra maestra ang pelikula at baka ako naman ang lapastanganin nila.

So I’m choosing to “Look Out” na.

JERRY OLEA: Taob kay Rez Cortez ang BJ scene ni Direk Joel Lamangan kay Kevin Sagra sa School Service.

Kabog din ang lampungan nina Domingo Almoete at Neil Suarez sa short film na Kiko.

Hindi naman sex lang ang pambenta ng directorial debut ni Afi Africa.

May social statement ito.

GORGY RULA: Ang dami na nating napag-usapan tungkol sa mga napanood natin sa Cinemalaya.

Mas maganda sana kung ang ibahagi na lang natin sa PEP readers ang magagandang puntos ng pelikula.

Ang maayos na pagkalahad ng kuwento sa Distance, pati ang matinong akting ng mga pangunahing artista.

Magagaling din ang mga bata sa School Service, ang makatotohanang paglahad ng pagharap sa takipsilim ng buhay sa Pagdating ng Dapithapon, ang kakaibang humor ng Pandesalawal, at marami pa.

Huwag na nating sakyan pa ang todong exploitation sa sex at kahirapan.

Isa itong The Lookout sa puwede nang palagpasin, sa totoo lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results