GORGY RULA: Parehong mugto ang mata nina Glaiza de Castro at Dominic Roco nang nakausap ng PEP Troika pagkatapos ng gala night ng Cinemalaya entry ni Kip Oebanda na Liway nitong Miyerkules, August 8.
Matagal ang palakpakan pagkatapos ng screening. Standing ovation ang lahat ng nanood.
Ilang grupo ng mga estudyante ang nag-chant, parang nagka-rally tuloy sa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.
Sabi ni Dominic, emotional siya pagkatapos mapanood ang pelikula dahil nasulit ang hirap nila ni Glaiza at maganda ang kinalabasan ng pelikula.
Ganun din ang feeling ni Glaiza dahil hindi raw niya akalaing matatapos niya ang Liway sa gitna ng halos araw-araw niyang taping sa GMA-7 afternoon drama series na Contessa.
“Na-realize ko na kaya ko pala. Kaya ko pala na sa kabila ng busy schedule, nagawa ko.
"Basta nagtitiwala ka lang sa tao na katrabaho mo, especially kay Direk Kip.
“Nung unang ginawa ko ito, sobrang nag-hesitate na baka hindi ko mabigyan ng justice yung role ni Liway, kasi feeling ko preoccupied ako, na-stress ako o iniisip ko yung iisipin ng tao.
“Yung kailangan ko magbigay ng magandang performance.
"Pero I think this is not about performance, it’s telling a story as truthful as possible.
"I think na-achieve naman namin kahit papano,” maluha-luha pang pahayag ni Glaiza.
Isa pa raw sa iniiyak ni Glaiza ay para kay Direk Kip na ibinahagi ang kuwento niya at ng kanyang ina, na isa sa nakipaglaban nung panahon ng martial law.
Kaya bukod sa ipinagmamalaki niya ang pelikulang ito, proud din daw siya sa kanyang direktor na siyang nagmamay-ari ng kuwento.
“Proud talaga ako kay Direk Kip sa ginawa niya para sa nanay niya.
“Nata-touch ako na na-share niya yung istorya ng nanay niya, na alam ko na marami siyang hesitations.
"Kasi nung nakausap ko siya, sabi niya, feeling niya ginagamit niya ang istorya ng nanay niya at yung mga taong lumaban nung panahon na yun.
“Pero sa tingin ko, isa ito sa napakahirap pero napakagandang desisyon na ginawa niya.
"Especially sa generation ngayon na nakalimutan na yung essence ng kung ano yung ipinaglalaban natin.
“Sa tingin ko, magandang mapanood nila to para ma-remind sila na bakit nga ba tayo lumalaban?
"Bakit nga ba natin ito ginagawa?" saad ni Glaiza.
NOEL FERRER: In fairness naman, this is the better mrtial law movie, di ba, Tito Gorgy?
Tagos sa puso dahil personal na karanasan ng direktor.
Nakakatuwa nga at habang pinapanood namin ito, naaalala namin ang ating kasamahan sa PEP.ph na si Arniel Serrato na mahal na mahal din ng kanyang ina at matindi rin ang prinsipyong ipinaglalaban.
Very Arniel ang batang si Dakip!
Saludo ako sa gumawa ng pelikulang ito!
JERRY OLEA: But the other martial law movie in Cinemalaya 2018 has more commercial appeal.
Hindi lang political ang ML, kundi suspense-thriller din!
Bonggacious ang reaction ng audience nang pasakan ni Colonel Jose Zabala de la Cruz (Eddie Garcia) ng bote ang lagusan ng birheng si Pat (Lianne Valentin).
Parang nararamdaman ng mga manonood ang pagpaso ni Colonel ng yosi sa suso ni Pat.
Masigabo rin ang palakpakan ng mga tao nang matapos ang screening nito noong Agosto 7, Martes ng hapon, sa CCP Main Theater.
Naalala ko sa ML ang torture scenes sa The Passion of The Christ (2004).