Ogie Alcasid, may special number kasama ang tatlong anak sa kanyang 30th anniversary concert

GORGY RULA: Pagkatapos ng OA 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa August 24, magbabakasyon daw muna siya dahil medyo na-stress siya sa dalawang proyektong pinagsabay niyang gawin.

Pahayag ni Ogie nang nakatsikahan ng PEP Troika sa gala night ng Ciinemalaya entry niyang Kuya Wes noong Lunes, August 6, “After my concert, gusto ko mag-chill.

"Kasi itong Kuya Wes, pinagsabay ko sa preparasyon ng concert, medyo na-stress ako nang konti.

“I’ll go to Australia for a while kasi birthday celebration din ng isa kong anak.

“Kami ni Regine will be touring sa States for, I think, four shows. May series siya dun, e.”


Sabi nga ng misis ni Ogie na si Regine Velasquez, kasama niya ang mister sa US tour niya sa susunod na buwan.

Sabay trabaho na rin, pero at least nakapagbakasyon naman daw ang asawa niya.

Ang isa pa raw sa pinaghahandaan nang husto ni Ogie sa kanyang concert ay ang number niya kasama ang mga anak na sina Leila, Sarah, at Nate.

Si Leila raw ang pinag-decide niya kung ano ang magandang gawin nilang mag-aama.

“Me and my panganay… sabi ko, 'Anak, ano ba ang puwede?'

“Sabi niya, 'Let’s sing the song that you wrote for me' when she was a baby.

"So, medyo inareglo ko nang konti sa gitara, yun ang gagawin namin,” nakangiting pahayag ni Ogie, ne excited sa nalalapit niyang concert.

JERRY OLEA: OA ang 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na nakatakda sa Agosto 24 nang 8 p.m. sa Araneta Coliseum.

“We’re so happy because tickets are selling so well,” sambit ni Ogie bago ang gala screening ng Cinemalaya movie niyang Kuya Wes noong Monday night sa CCP.

“We’re very excited dahil yung orchestra [Philharmonic Orchestra] is also ready.

“Hinihintay ko na lang yung pagdating ng anak ko, si Sarah, and we’re all set.”

Kabilang sa guests ni Ogie ang asawa niyang si Regine Velasquez at mga anak na sina Leila, Sarah, at Nate.

Nandiyan din sina Vice Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, at Moira.

Tantiya ni Ogie ay dalawang oras at kalahati ang tagal ng palabas.

Paano napasali ni Ogie si Bitoy [Michael V] sa OA?

Napangiting kuwento ni Ogie, “Si Bitoy kasi, every Sunday, kasama ko iyan. Kasi, nagba-basketball kami.

“Sabi ko, ‘Pare, guest ka naman! Gawin natin yung mga dati nating ginagawa!’

“And then siyempre, hindi ko naman maiaalis, na hindi makasama si Janno Gibbs, so...

“I’m so happy that Janno is joining me also!

“Kumpleto! Kumpleto! Yung mga partners ko, yung mga... you know, brothers ko.”

NOEL FERRER: Ogie deserves all the best from the industry that he really loves.

Maganda nga at nakasingit pa rin siya ng pelikulang Kuya Wes para sa Cinemalaya.

Pagkatapos, milestone din itong gaganapin niyang concert for his 30th year in the industry.

Pati sa TV ay very active si Ogie with no less than three regular show: Tawag Ng Tanghalan, Your Face Sounds Familiar Kids, at Home Sweetie Home.

Congratulations, Ogie!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN