Direk Adolf Alix Jr., aminadong malaking challenge idirek si Kris Aquino

by PEP Troika
Aug 11, 2018

JERRY OLEA: Nabanggit ang iFlix sa pelikulang I Love You, Hater, kaya naniwala kaming tuloy ang horror movie ni Kris Aquino na ipoprodyus ng subscription VOD (video on demand) service na nakabase sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sabi noon ng direktor na si Adolf Alix Jr. ay Agosto ang simula ng shooting niyon.


Continue reading below ↓

“Nagkasakit po kasi siya kaya nag-adjust kami ng schedule, pero mag-i-start na po kami soon,” sabi ni Direk Adolf nang makausap namin sa presscon ng PPP 2018 entry niyang Madilim Ang Gabi noong Agosto 5, Linggo, sa Blue Rocket Cafe, QC.

Noong Martes ay dumalo si Kris sa Hollywood premiere ng pelikulang Crazy Rich Asians, kung saan may cameo siya bilang Malay royalty na si Princess Intan.

Natabunan tuloy ang balita kaugnay sa pag-uumpisa ng iFlix series niyang Live Life with Kris ngayong Agosto 11, Sabado, 11 a.m.

Iba-iba ang mga direktor ng bawat episode. Dalawang episodes nito ay si Adolf ang nagdirek.

Ayon sa Wikipedia, “iflix is currently available in 28 countries across Asia and Africa, including Malaysia, Indonesia, Philippines, Brunei, Thailand, Vietnam, Cambodia, Myanmar, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Maldives, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, Jordan, Iraq, Lebanon, Egypt, Sudan, Nigeria, Kenya, Ghana, Zimbabwe, Tanzania, Morocco and Uganda.

“As of December 2017, iflix has more than 6.5 million subscribers on its service.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nang makausap ko si Direk Adolf sa Filmmakers Night sa CCP, sinabi niyang malaking challenge din sa kanya itong idirek si Kris.

Tingin daw niya, magagawa nila ito nang maayos dahil comfort zone naman ni Kris ang horror.

"Pero, gusto na rin niya ma-explore ang iba't ibang kuwento," pakli ni Direk Adolf.

Sabi pa niya, "Malaking challenge din naman yung maano siya, kasi nung nag-usap kami before about the project, open naman siya dun sa kung paano gagawin.

"Na-explain ko naman sa kanya kung ano yung nakikita ko dun para sa material. Okay naman siya.

"Parang okay din ako na gusto ko rin ma-try kung paano gawin ang ganung klaseng pelikula kasi bihira lang naman ako gumawa ng horror, e."

NOEL FERRER: Lagare actually ang gagawing shoot ni Direk Adolf dahil sabay niyang gagawin ang pelikula ni Kris at pelikula ni Marian Rivera na Balon from APT Films.

Continue reading below ↓

Ang leading man ni Marian dito ay si Jake Cuenca.

Dapat nga ay noong August 1 pa ang storycon nito, pero sayang dahil hindi na kakayanin ng dalawang aktres na supposedly makakasama ni Marian sa pelikula dahil sa earlier commitments,

Pero abangan na lang natin kung sino ang magiging kapalit by the time they shoot next week.

As for Kris, she’s back to the genre where she was identified with—horror.

May her first film venture with iFlix be a successful beautiful horror experience.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results