Action movie ni Erich Gonzales, di puwede sa SM Cinemas dahil R18?

by PEP Troika
Aug 11, 2018

GORGY RULA: Isa sa kuwentong nasagap ng PEP Troika sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) & Cinemalaya Networking Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na ginanap sa Silangan Hall ng CCP kagabi, August 10, binigyan daw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng R18 ang PPP entry na We Will Not Die Tonight.

Kaya hindi na ito mapapanood sa mga SM cinemas.

Susubukan pa raw nilang ipa-review uli at baka i-consider na bigyan na lang ng R16.


Kaya ginagawan ng paraan ng FDCP na mabigyan ng sapat na sinehan ang pelikulang ito ni Direk Richard Somes na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Isa kasi sa isyu ng Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang distribution ng mga sinehan.

May mga ilang producers na nagrereklamo dahil tingin nila may ilang pelikulang lamang na lamang sa mga sinehan.

Hindi naman maiwasan iyan dahil nasa theater owners ang desisyon kung aling pelikula ang gusto nilang ipalabas na tingin nila'y akma sa kanilang audience. Pero ginagawan ito ng paraan ni FDCP Chairperson Liza Diño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Basta ang commitment namin ay mabigyan ng at least 30 cinemas.

"Pero may mga ilan talagang obvious na malakas, nadadagdagan sila dahil interesado ang mga theater owners na bigyan pa sila ng dagdag na sinehan.

“Alam naman natin na this is an industry event, ang mga sinehan talaga ang may liberty na mamili.

“Ang FDCP na nga ang naghatag sa kanila na ito yung walong pelikulang pinili namin… what are you gonna choose in your cinemas provided that we can give the minimum guarantee we promised to the filmmakers.”


Bukod sa walong pelikulang kalahok, mayroon pang special feature films na mapapanood sa ilang mga sinehan.

Ang walong pelikulang nasa main feature at pati itong sa special feature ay bibigyan daw ng FDCP ng marketing at distribution grant.

“Aside from the Philippine premiere, nagbigay kami ng marketing and distribution grant na PHP500,000 sa bawat isang pelikula na kasali dun sa ating main entries, at PHP100,000 sa bawat isang special feature entries.

“Kami rin ang nag-distribute sa iba’t ibang sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We really took care of their cost ng distribution ng special feature films and nag-secure kami ng cinemas para sa kanila," dagdag na pahayag ng FDCP Chair Liza Diño sa Filmmakers Night na ginanap sa CCP kagabi.

NOEL FERRER: Maraming activities ang naka-lineup ngayon, tulad ng parada at motorcade sa Quezon City Memorial Circle at food fair sa Maginhawa Street.

Sana’y hindi ito ulanin para lubos na ma-enjoy ng mga tao ang preparasyong inihanda ng lahat ng organizers ng Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Good luck!

JERRY OLEA: Paalis na ang bagyong Karding sa PAR (Philippine Area of Responsibility).

Nawa’y mabiyayaan ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng magandang panahon, at dumagsa ang mga tao sa sinehan ngayong Agosto 15 hanggang 21.

Siyempre, abang-abang din tayo sa mga pelikulang itatanghal matapos ang PPP—Miss Granny at Crazy Rich Asians sa Agosto 22; The Hows of Us sa Agosto 29; Goyo at Petmalu sa Setyembre 5; Wander Bra sa Setyembre 12.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results