Kris Aquino, banned na sa PhilStar pagkatapos paringgan ang pamilya Belmonte?

by PEP Troika
Aug 11, 2018

NOEL FERRER: Kasabay ng pag-ulan ay ang tila bagyong isyu tungkol kay Kris Aquino pagkatapos niyang rumampa sa premiere ng Crazy Rich Asians.

Nagparunggit siya sa mga Belmonte, na identified sa Philippine STAR pati na sa tabloid nitong Pilipino Star Ngayon.


Categorically, sinabi ni Kris na hindi siya makakatapat ni Joy Belmonte, na tatakbong mayor, dahil sa mga bagong endorsement contract na kanyang pinirmahan na ipinagbabawal ang kanyang pakikilahok sa politika.

Continue reading below ↓

Ang tanong: totoo bang banned na si Kris sa mga publikasyon ng mga Belmonte?

Iiwas na ba sila sa mga balitang Kris, tulad na rin ng kawalan ng coverage ng ABS-CBN at GMA-7 sa green-carpet premiere ng Crazy Rich Asians.

Tunay ba ang ban na ito mga, ka-Troika?

JERRY OLEA: Kahit masama ang pakiramdam niya, nagpumilit si Kris Aquino na dumalo sa Hollywood premiere ng pelikulang Crazy Rich Asians noong Agosto 7, Martes, sa TCL Chinese Theater.

Ginawa niya ito para sa kanyang mga kababayan.

Siyempre pa, marami ang natuwa sa good vibes na hatid ni Kris.

Hindi maiaalis na meron ding mga nairita at nagpasaring o nagpatutsada.

Ipinaliwanag na ni Kris kung bakit wala siya sa litrato ng cast ng Crazy Rich Asians.

Ayaw niyang umepal.

Ayun! Nagparunggit ang isang tabloid na pag-aari ng isang pamilyang nasa pulitika.

Naghuhumiyaw ang pang-uurot ng tabloid: “Kris nilaglag sa pictorial sa leading newspapers at website sa US!”

Continue reading below ↓

Tweet ni Kris bilang tugon, “Fyi po sa pamilyang nagpapatakbo ng @pilstarngayon no need akong i-down.

“Kakapirma today ng 2 year contract w/ P&G — may no political participation clause. �??? So safe na safe ang QC.

“P.S. next time a little more subtlety — halata tuloy na insecure. #lovelovelove �???”

Kung banned man si Kris sa mga diyaryo ng nasabing pamilya, so be it.

Ganyan ang laro sa pulitika.

GORGY RULA: Ang isyung showbiz, hinaluan ng pulitika?

Umabot na sa ganun na puwede namang huwag nang palakihin?

Ang hindi ko lang ma-take, Sir Jerry, na pinilit ni Kris na dumalo ng red-carpet premiere ng Crazy Rich Asians para sa bayan?

Mabait naman si Kris sa akin kaya di ko na dadagdagan ang pang-uurot, sabi mo nga.

Tungkol sa sitsit na banned na si Kris sa mga publication ng Star, mahirap na magkomento diyan dahil nagsusulat din po kasi ako sa Pilipino Star Ngayon.

Continue reading below ↓

Abangan na lang siguro kung may mababasa pa kayong mga balita tungkol kay Kris sa PSN, PM, at PhilStar.

Ang alam ko, close si dating Pangulong Cory Aquino sa pamilya Belmonte, kaya baka magkaayos din sila.

Tiyak namang iku-consider din naman iyan ni Kris, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results