GORGY RULA: Nakausap ko ang entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa (PM) na si Salve Asis at nilinaw niyang walang news blackout tungkol kay Krid Aquino sa kanilang mga pahayagan.
Sinabi rin niyang wala siyang intensiyong insultuhin si Kris sa ginawa niyang titulo sa column na lumabas ni Lolit Solis: "Kris nilaglag sa pictorial sa leading newspapers at website sa US!"
Natural daw sa tabloid ang mga ganung title lalo na kung mayroon namang basehan.
Gusto rin lang niyang linawin na kahit kailan ay hindi nakikialam o nagdidikta ang kahit sino sa pamilya Belmonte sa editorial ng lahat na pahayagan ng Star Group of Publications, taliwas sa insinuation ni Kris.
Kaya pagdating dito sa isyu ni Kris, ang naturang editor na mismo ang nag-decide na huwag na lang maglabas ng kahit na anong kuwento tungkol sa Queen of All Media dahil sa pagiging sensitive nito at para wala nang dahilan para mag-react pa ito.
JERRY OLEA: Nagpaliwanag na rin si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kaugnay sa himutok ni Kris sa Twitter.
Post ni Joy sa Facebook nitong Sabado ng gabi:
“A friend sent me this Tweet from Kris Aquino and she is obviously referring to my family and me being insecure of her.
“I apologise profusely to Kris for whatever it is that offended her. Am still trying to find the article she is referring to because I haven’t read it, and I’m sorry too that she thinks I have something to do with it, or that whatever squabble she may have with the reporter that wrote the offending article has something to do with me.
“For the record, I do not know what she is talking about but I apologise for any offence taken by her.
“And i still remain eternally grateful to her for having endorsed me in a video which i posted months ago; and even if she is angry with me for whatever reason, i hope she remembers that my mother and hers were best friends and that my mother started the Philippine Star to support hers in 1986.
“I pray no issue will get in the way of the years of friendship our families shared.
“And i remain happy for all the success the Lord has blessed her with.”
JERRY OLEA: Walang news blackout, walang ban... basta, walang Kris Aquino story na ilalabas.
“A rose by any other name shall smell as sweet,” 'ika nga.
Desisyon iyan ng premyadong entertainment editor na si Bb. Salve Asis (na member ng Cinema Evaluation Board), at walang kinalaman ang mga Belmonte.
Napakasipag ni Bb. Salve Asis bilang patnugot ng dalawang pahayagan ng mga Belmonte, at hindi matatawaran ang dedikasyon niya sa trabaho.
Ang command responsibility... bow!