NOEL FERRER: Isa pala sa Erik Santos sa co-producers ng nalalapit niyang major concert to celebrate his 15 years in the business—ang My Greatest Moments na gaganapin sa MOA Arena on September 22.
Isa-isa nang pinapangalanan ang mga guest niyang sina Angeline Quinto, Kyla, Moira, at si Christian Bautista na ka-batch niya sa pinakaunang Star In A Million search sa ABS-CBN.
Napag-usapan namin sa guesting niya sa aming program sa TeleRadyo Inquirer na Level Up na kinausap na ni Erik ang kanyang ibang co-finalists sa Star In A Million.
Game daw ang lahat na magkaroon ng reunion, except for one batchmate na si Sheryn Regis.
Nagpasabi si Sheryn na hindi siya makakauwi rito from abroad dahil inaayos yata ang mga papeles niyang connected sa kanyang residency at status sa ibang bansa.
Sayang naman kung bukod-tanging si Sheryn lang ang mawawala dahil magandang pagkakataon na ma-redeem niya ang kanyang sarili sa nakatatak nang “disappointment video” nang hindi siya ang napiling winner sa Grand Finals 15 years ago.
Ang ibang competition alumni ay nakapag-commit na kay Erik at sa production na darating sila.
Pero umaasa pa rin si Erik na maayos ni Sheryn ang dapat nitong ayusin sa ibang bansa para makauwi na ito at kumanta ulit sila together.
Aabangan natin ang iba pang pasabog ni Erik sa kanyang pinakamalaking concert so far, na ang sabi niya’y hindi nila titipurin!
Good luck!
JERRY OLEA: Sana’y kasama rin sa 15th anniversary concert ni Erik ang unang Quinto na minahal niya—si Rufa Mae Quinto.
Di ba, iniyakan pa ni P-chi (palayaw ni Rufa Mae) ang pagtatanggol niya noon kay Erik?
GORGY RULA: True, Sir Jerry! Nasaksihan ko noon sa backstage ng Startalk na nag-iiyak si Rufa Mae dahil sa iilang nagtataas ng kilay sa relasyon nilang dalawa.
Nakita ko noon kay Rufa Mae ang sobrang pagmamahal niya kay Erik, huh!
Nakasama ko nga pala si Erik sa fiesta event sa Libmanan, Camarines Sur kamakailan lang at pinagkaguluhan siya roon, lalo na ang mga matronang naghintay nang matagal para makapag-picture lang sa kanya.
Iyong iba nga ay nagtatanong kung tuloy yung concert niya sa SM-MOA Arena.
Sa totoo lang, ang lakas ni Erik sa mga matured audience na professionals dahil bilib na bilib sa galing niya sa pagkanta.
Kaya tingin ko diyan, mabenta ang tickets niya dahil talagang bumibili ng tickets ang fans niya.