Iza Calzado, nagdiriwang ng kanyang huling birthday bilang single woman

NOEL FERRER: Tulad ng nasabi ko na, this is the season of blessings sa birthday celebrators ngayong araw na ito, August 12.

Isa na riyan ang aming talent na si Iza Calzado, who is celebrating her last birthday as a single woman.

Later this year na nakatakda ang kasal niya kay Ben Wintle, na siyang namumuno ng Booky Food App.


Pagkatapos ng magagandang reviews sa kanya sa Cinemalaya entry niya na Distance, heto at abala siya sa kanyang mala-Amor Powers na role sa teleseryeng Ngayon at Kailanman with Joshua Garcia and Julia Barretto.

Mayroonm pa siyang napipintong monumental project sa Star Cinema kaya’t hindi na niya matanggap ang proyekto with Marian Rivera (na ka-birthday niya) sa APT, ang pelikula ng kaibigan niyang direktor na si Dante Basco, pati na ang pelikula with Stephen Baldwin.

Sa gitna ng lahat ng ito, she also has to attend to her wedding preparations at lumabas na ang kanyang pictorial para sa isang wedding book.

Si Iza rin sana ang gagawarang best actress sa annual Gawad Amerika, nasabihan na siya earlier on at may official correspondence na.

Pero dahil sa magpa-pilot nang teleserye at training at shoot para sa monumental film, hindi na talaga niya personal na matatanggap ang award.

Hanggang ngayong umaga, ang sabi ng organizer sa amin, "They want Iza sana to accept the award personally kasi malaking recognition daw yun.”

Wait and see kami kung ibibigay pa rin ang award na yun sa kanilang choice na si Iza kung hindi ito makakadalo.

GORGY RULA: Sayang nga at hindi rin daw makakadalo si Iza sa awards night ng Cinemalaya mamayang gabi.

May taping pa raw kasi si Iza sa ASAP para sa promo ng bagong teleserye niya sa Kapamilya network.

Baka magandang pa-birthday sa kanya mamaya ang Best Actress trophy, kahit mahigpit na makakalaban daw nito sina Glaiza de Castro (Liway), Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon), at ang batang si Miel Espinoza (Pan de Salawal).

Kung hindi man malusutan ni Iza ang Cinemalaya, may laban pa rin naman siya sa ibang award-giving bodies sa susunod na taon. Abangan natin iyan!

Samantala, simple lang daw ang selebrasyon ni Marian Rivera, na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan kasabay si Iza.

Sabi ni Dingdong Dantes, hindi na raw sila makakalabas para magbakasyon dahil sa dami ng ginagawa nila at quota na rin daw sila sa dami ng mga bakasyon nila ngayong taon.

Happy birthday sa dalawang mahal namin sa showbiz na sina Iza Calzado at Marian Rivera!

JERRY OLEA: Bonggacious ang birthday tribute ni Aiko Melendez kay Marian sa Facebook.

Kaarawan din ngayong Agosto 12, Linggo, nina Aga Muhlach, Casey Affleck, at Cecil B. DeMille.

Magandang pa-birthday kay Iza Calzado (Distance) kung magwawagi siyang best actress sa 14th Cinemalaya awards mamayang gabi sa CCP.

Kaya lang, matitindi ang mga kaagaw niya—Glaiza de Castro sa Liway, Perla Bautista sa Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, Miel Espinoza sa Pan de Salawal, Celeste Legaspi sa Mamang, at Ai-Ai de las Alas sa School Service.

Nakausap namin si Ben matapos ang gala screening ng Distance at inusisa namin siya kung aling eksena ni Iza sa movie ang paborito o pinakagusto niya.


Ani Ben, “Exposing her lover was a good twist, there was obviously a very... without giving it away so people for people who haven’t watched it... a big scene towards the end with the whole family, confronting each other in the room...”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN