Kathryn Bernardo, hindi kasama si Daniel Padilla sa Sharon-Richard movie

by PEP Troika
Aug 12, 2018

NOEL FERRER: At si Kathryn Bernardo nga ang sinasabing young superstar na makakasama nina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa pelikulang Three Words To Forever ng Star Cinema.


Mukhang naging maganda ang working relationship nina Kathryn at Cathy Garcia-Molina sa kanilang The Hows Of Us with Daniel Padilla kaya, heto sila, may bagong projet na naman to be released before the end of the year.

Continue reading below ↓

Anak ni Sharon ang role ni Kathryn, at nabalitaan naming kasama rin sa pelikula si Ria Atayde.

Ang ganda lang kasi kahit sa November pa due for release ang pelikula ay excited na lahat ng mga tao.

Parang ito na ang movie event na hinihintay para manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino sa takilya, maliban sa Metro Manila Film Festival.

Ano sa tingin niyo, mga ka-Troika, sa pagkakasama ni Kathryn sa 30th anniversary film nina Sharon at Goma?

GORGY RULA: Iyon ang isa sa nabulong sa akin ng ilang loyal supporters ni Kathryn, pero wala pa raw kumpirmasyon.

Ang The Hows of Us na kasi ang huling project na pagsasamahan ng KathNiel. Kaya itong Sharon-Goma movie ang isa sa unang gagawin ni Kathryn na hindi na kasama si Daniel.

Maganda itong pagsasama nina Mayor Goma at Sharon, pero kailangan pa rin ng malakas na young stars kagaya ni Kathryn Bernardo.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Kung bibida si Liza Soberano bilang bagong Darna, nakakatuwa na kakalas si Kathryn sa KathNiel loveteam para gumanap na anak ni Sharon.

E, si Nadine Lustre, saan pupulutin ang career niya?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results