Ai-Ai delas Alas, tinalo ang crowd favorite na si Glaiza de Castro sa Cinemalaya

by PEP Troika
Aug 13, 2018

JERRY OLEA: Nag-standing ovation ang audience sa awards night ng Cinemalaya 14: Wings of Vision nitong Agosto 12, Linggo, sa CCP Main Theater nang tawagin si Eddie Garcia bilang best actor para sa ML.

Ikatlong best actor ito ng 89-anyos na aktor sa Cinemalaya.

Naunang nagwagi si Manoy ng tropeong Balanghai para sa ICU Bed #7 (2005) at Bwakaw (2012).

Waley sa awards ceremony ang best actress na si Ai-Ai de las Alas (School Service).


Ayon kay Direk Louie Ignacio na tumanggap ng tropeyo, nasa taping si Ai-Ai ng TV show nilang Sunday PinaSaya.

Best supporting actor si Ketchup Eusebio (Mamang).

Totoo bang unang inialok kay Roderick Paulate ang role na iyon bilang bading na anak na mapagmahal sa nag-uulyaning ina?

It’s a tie sa kategoryang best supporting actress, pero isang tao lang iyon—si Therese Malvar para sa Distance at School Service.

Pinagkalooban ng Special Jury Citation ang tatlong batang aktor—sina Miel Espinoza (Pan de Salawal), JM Salvado (Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma), at Kenken Nuyad (Liway at School Service).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: My heart went to crowd favorite Glaiza de Castro of Liway, na nag-costume change pa at naghanda ng dalawang outfits para sa introduction rampa sa stage at sa kanyang production number na kanta ni Lolita Carbon na ginamit sa kanyang pelikula.

Despite all her efforts, nganey siya sa pagkapanalo.


Si Ai-Ai delas Alas na nagte-taping daw ng Sunday PinaSaya ang nagwagi para sa School Service.

Ang taray ng Therese ng Distance at ka -tie ni Therese ng School Service.

Ramdam mo na naghanda ang bata ng speech manalo man siya sa kung saang pelikula.

Kaya mas matarush nang naitawid niya ang magkaibang message sa pagkaka-tie ng dalawa niyang pelikula. Wagi!

Congratulations sa mga Winwin. Better luck next time sa mga Lotlot!

GORGY RULA: May patutsada ang Facebook post ng line producer ng School Service na si Dennis Evangelista.

Bahagi ng kanyang post, “Mali ang FEARLESS FORECAST at mga opinyon (na niri respeto ko) na nabasa ko!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So many good performances from lead actress in the recently concluded 14th Cinemalaya Independent Film Festival but according to the insider Aiai delas Alas was the unanimous choice of the jury for her outstanding performance in 'School Service.'"

Binati niya si Ai-Ai na mas magaling daw sa School Service kaysa sa internationally-acclaimed na pelikula niyang Area, at pati si Direk Louie Ignacio na palaging nagwawagi raw sa acting category ang mga artista nito.

At sabi pa niya sa huling bahagi ng post nito, “Salamat sa mga sumuporta at naniniwala. Sa mga nagni NEGA salamat pa rin. Mabuhay!!!”

Nabanggit pa sa akin noon ni Dennis, na may mga international producers na raw na nagkakainteres sa School Service.

May mga imbitasyon na raw ito sa ilang international film festivals.

Congratulations kay Ai-Ai at sa lahat na mga nagwagi.

Isa rin kasi sa wish ng Kapuso Comedy Queen na makakuha ng Balanghai trophy sa Cinemalaya, at sana meron din daw sa mga Manunuri ng Gawad Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasensya na sa reaksyon na ito hehe .. kasi naman po nanonood ako ng the clash nag aanalyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pag kasabi sancho MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?! ( paranong na excited).. at ako naman omy GOD nanalo ako nanalo ako !!! Super crayola 48 colors thank you LORD SOBRA !! NANALO AKO ( bigla kong naisip tama ba dinig ko ?? Haha ð???bigla ko tinanong si sancho totoo ba yan anak ? Sabi nya oo ma si direk loui tag ako .. so ayun naniwala na ako... at ngayun na nahimasmasan nako ... ð???MARAMING SALAMT PO CINEMALAYA JURY AT CINEMALAYA SA AWARD NA ITO ..nais kong ishare ang award na ito sa aming direktor LOUI IGNACIO , labyu .. tita BABY GO and bg productions , dennis e, ferdie lapuz, sa mga kasama ko sa SCHOOL SERVICE ,mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si rhain , direk joe lamangan at si tito jo gruta ... share ko din ito sa mga magagaling kong mga co nominadong actress na si glaiza ,iza tita perla at sa mga d ko nabanggit congrats din ....at kay LORD na sabi ko pasensya na lord nag mumura ako sa movie na ito hehe pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay.. mama mary tnx din po ... sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY ... mga inspirasyon ko sa buhay thank you mga anak sancho , niki , sophia and andrei .. at sa aking asawa gerald happy monthsary darl ang ganda ng gabing ito ... ð???

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results