JERRY OLEA: Sa kasagsagan ng bagyo nitong Agosto 12, Linggo, sumadsad ang isang barko sa may tulay ng Navotas kung saan magte-taping ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Maaksyong eksena ang kukunan nitong Agosto 13, Lunes ng umaga, kung saan makikipagbarilan nang bonggang-bongga sina Coco Martin at Lito Lapid.
Siyempre, ginamit na sa taping ang barkong sumadsad.
Bboom! Bboom! Bboom! Ratatat-tat-tat-tat! Tat-tat!
Nagulat ang mga taga-media na nagko-cover ng baha sa Navotas nang marinig ang putukan na malapit sa tulay ng Navotas.
Video: Courtesy of Edwin Duque of DZRH
Akala nila, kung anong kaguluhan iyon.
Iyon pala, may taping ang Hari ng Telebisyon.
Ang atensiyon ng mga taong nagmo-monitor sa baha ay nabaling sa taping.
Doon sila nakigulo!
Video: Courtesy of Edwin Duque of DZRH
Inaasam ng produksyon na tuluyan nang gumanda ang panahon para tuluy-tuloy ang taping ng #1 teleserye sa Navotas.
Totoo bang may pasasabugin pa roon na dalawang kotse?
NOEL FERRER: Grabe ang effort at scope ng teleseryeng ito na nagmumukhang slice of life talaga.
I’m sure yung pagpapakita ng barkong sumadsad, pati na ng bagyo at baha, adds to the relatability of the scenes.
Teka, Tito Gorgy, ano naman kaya ang pantapat dito ng Victor Magtanggol?
GORGY RULA: Naku! Baka liparin naman ni Victor Magtanggol ang mga nabahaang lugar sa Metro Manila?
Matindi ang effects sa pagbabago ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol na naging Hammerman, kaya ito ang kinagigiliwan ng viewers nito.
Ito naman kasing Ang Probinsyano ay inaayon ang kuwento sa mga kaganapan natin ngayon. Kung ano ang isyu sa paligid, gagamitin na iyan sa kuwento.
Itong sumadsad na barko naman ang ginamit sa taping. Siguro, hindi naman aalma ang may-ari ng barko na yun.
Pero paano naman kaya yung wedding photo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati ang anak nilang si Zia ay nagamit?
Ngayong araw lang, August 13, ay nag-post si Dingdong Dantes sa kanyang Facebook account ng sulat na gustong iparating sa production team ng Ang Probinsyano.
Nagpadala na pala sila ng sulat sa production team ng naturang teleserye nung nakaraang Sabado at in-attach niya sa post na iyon sa kanyang FB account.
Kailangang inilabas na raw niya ito at ibinahagi sa kanyang FB page, para sa mga Dongyanatics daw na concerned din sa panggagamit ng kanilang litrato na walang pahintulot.
Bahagi ng post na ito ni Dingdong: “Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours.
"But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources.
“I do hope that this won’t happen again to anyone.”
Nasa Ang Probinsyano na ito kung paano nila ma-settle ang isyu.
Sana maayos na agad at hindi na lumala pa. Baka kasi magamit pa ito.