Pelikula ni Erich Gonzales, nag-iisang PPP entry na hindi nakapasa sa CEB

by PEP Troika
Aug 14, 2018

NOEL FERRER: Sa gitna ng pag-iingay ng ilang sektor ng industriya sa hindi pagkakaroon ng Cinema Evaluation Board (CEB) grade ng FAMAS at Urian Best Picture na Balangiga: Howling Wilderness, heto at masayang balita ang pag-e-evaluate nila ng tatlong pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kahapon, August 13.

Grade A ang nakuha ng pelikula ni Direk Chito Roño na Signal Rock starring Christian Bables.

Grade B naman ang Pinay Beauty ni Jay Abella starring Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman; ganun din ang Unli Life ni Miko Livelo starring Vhong Navarro and Winwyn Marquez.

Ang iba pang PPP entries na may grade ay ang mga sumusunod:

Ang Babaeng Allergic sa Wifi, Day After Valentine's, Bakwit Boys — Grade A.

Madilim Ang Gabi — Grade B.

Tanging ang pelikula ni Erich Gonzales na We Will Not Die Tonight ang hindi nakapasa at hindi nabigyan ng grade.


Handa na ang entries ng PPP sa kanilang Fans Day activity ngayong araw, August 14, segue sa Opening Film sa SM Aura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magbubukas ang mga pelikula sa Wednesday, August 15.

JERRY OLEA: Umulan man o umaraw, tuloy ang grand fans day ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Agosto 14, Martes, 1:00-6:00 p.m.sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig City.

Libre ang admission dito!


Post ng PPP sa Facebook at Instagram, mahigit 100 Industry passes ang ipamumudmod dito sa mga tagahanga.

Sinu-sino kayang artista ang makiki-selfie sa fans sa event na ito?

Siyanga pala, tuloy ang PPP Opening Night sa Martes ng 7 p.m. doon din sa Samsung Hall.

Ipalalabas dito ang restored and emastered version ng Lino Brocka film na White Slavery (1985).

Mapangahas ang pagganap dito nina Jaclyn Jose, Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Ricky Davao, at Patrick de la Rosa.

Pwetmalu!


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Tuluy-tuloy pa rin ang sama ng panahon, ang thunderstorm, at lakas ng ulan. Tumitigil lang sandali, 'tapos balik na naman ang ulan.

Ayon sa weather forecast, hanggang sa susunod na linggo pang ganito kasama ang panahon.

Sabi naman ni FDCP Chairman Liza Diño, kahit anong mangyari, tuloy na tuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino na inaasahan niyang mas maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa walong pelikulang kalahok kesa nung nakaraang taon.


Mas marami nga lang daw challenges ngayon, pero naayos naman at nagagawan ng paraan.

Isa na rito ang distribution ng mga sinehan, dahil hindi talaga maiwasang ang theater owners mismo ang nagdi-demand ng mga pelikulang gusto nilang ipalabas sa kanilang mga sinehan.

Sabi ni Chairman Liza, sa walong pelikulang kalahok, lima ang talagang binibigyan ng maraming sinehan.

Kabilang na rito ang Unli Life nina Vhong Navarro at Winwyn Marquez, The Day After Valentine's nina Bela Padilla at JC Santos, at Signal Rock ni Christian Bables.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero in-assure naman daw ni FDCP Chair na ang lahat na entries ay mayroong 30 cinemas.

“Hindi naman natin maiwasan that there are films na talagang ang daming mga sinehan, because na rin yung klaseng mga pelikula nila.

"Alam naman natin na this is a commercial, kaya I always insist that this is an industry event.

“Ang mga sinehan talaga ang may liberty na mamili. Ang FDCP na nga ang naghatag sa kanila na ito yung walong pelikulang pinili namin, what are you gonna choose in your cinemas provided that we can give the minimum guarantee we promised to the filmmakers,” dagdag niyang pahayag.

Nagawan naman daw nila ng paraang hindi maapi ang ilang pelikulang kalahok sa pagbigay ng mga sinehan. Kaya inaasahan niyang plantasado na ito lahat bago ang pagsisimula ng PPP bukas, August 15.

Mabuti na lang at nagpa-review uli sa MTRCB ang We Will Not Die Tonight kahapon, August 13, at nakuha na nila ang R16 rating, mula sa R18.

Kaya hindi na magiging limitado ang mga sinehang maibibigay sa kanila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results