Winwyn Marquez, hindi kayang tapatan ang pagpapa-sexy ng inang si Alma Moreno

by PEP Troika
Aug 14, 2018

GORGY RULA: Hindi napigilan ni Alma Moreno na maluha pagkatapos mapanood ang pelikula ng kanyang anak na si Winwyn Marquez, ang Unli Life, sa premiere nito na ginanap sa SM Megamall kagabi, August 13.

Sabi ni Winwyn, tuwang-tuwa ang mama niya dahil maganda ang first movie niya bilang leading lady, at si Vhong Navarro pa ang ka-partner.


Continue reading below ↓

Kahit nga ang papa raw niyang si Joey Marquez na bahagi rin sa pelikula ay masaya sa kinalabasan ng pelikula.

Sabi nga ni Vhong, ingat na ingat siya rito kay Winwyn dahil close daw siya kay Tsong Joey, kaya kailangang hindi ito ma-disappoint sa introductory film ni Winwyn.

“Sobrang alaga ko ito, e,” sabi ni Vhong tungkol kay Winwyn.

“Nahihiya ako kay Tsong, e. Hindi lang kay Wyn, kay Tsong talaga.

"Kasi sobrang close ako kay Tsong, e.

"Si Tsong kasi, hindi lang kaibigan, e, parang pangalawa ko ring ama.

"Kung may personal akong problema, si Tsong na iyan.

"Kaya grabe ang pagbabantay ko diyan," dagdag na pahayag ni Vhong.

Kaya sabi nga ni Winwyn, sobrang suwerte niya na si Vhong ang unang leading man niya at maganda pa ang kinalabasan ng pelikula.

Sa ngayon ay focused na raw si Winwyn sa acting career niya.

Tatapusin lang daw niya ang mga dapat niyang tapusin bilang Reina Hispanoamericana.

Continue reading below ↓

Sa October 7 daw gaganapin ang Miss World Philippines 2018 na kung saan ire-relinquish ni Winwyn ang crown niya bilang Ms. World-Philippines Hispanoamericana.

Sa November naman daw ang Reina Hispanoamericana 2018 sa Bolivia.

“Sa Bolivia, I’m leaving on October 29, ipapasa ko ang crown ng November 3.

"But I have to stay in the States for two weeks kasi may gagawin naman ako dun," sabi ni Winwyn.

Masaya raw siya sa isang taong pag-upo niya bilang Reina Hispanoamericana dahil marami siyang nagawa sa kanyang advocacy na pagtulong sa mga kabataan, lalo na sa kanilang edukasyon.

“Ang pinaka na-achieve ko sa title ko, yung mga program ko for kids.

“Kasi more than 10 programs, wala pa akong one year ginagawa ko yung program ko, more than a thousand kids na yung napuntahan namin.

“I went to Zamboanga. Nakapag-donate na kami ng more than one thousand books in different schools and different daycares. I also teach on the side.

Continue reading below ↓

“Dahil sa crown, ang daming opportunity to help other kids, e.

"So, tuluy-tuloy yung community-engagement program ko,” pahayag ng beauty queen-actress.

Halos siya lang daw ang kumikilos dahil malayo naman ang mga namumuno ng Reina Hispanoamericana.

Pero tumutulong naman daw ang mga ito pagdating sa funding.

Kaya proud naman daw si Winwyn marami siyang nagawa bilang kauna-unahang Pilipinang naging Reina Hispanoamericana.

JERRY OLEA: Andaming blockbusters ni Alma Moreno sa Regal Films, pero aminado si Winwyn na hindi niya kayang pantayan man lang ang kapangahasan ng kanyang ina.


Continue reading below ↓

“Hindi ko yata kaya yung pagpapa-sexy siya nang todo-todo,” sabi ni Winwyn.

“Parang hindi ko pa kayang gawin. Kasi, sinabi sa akin, meron siyang movie na naka-kamison siya, 'tapos walang undergarment... walang bra.”

Ahh! Yung magic kamison sa wet look! May movies pa si Alma na nipples lang ang may takip, huh?!

“Iba kasi ang panahon ngayon,” pakli ni Winwyn.

“So, parang hindi ko ata kayang gawin... Hindi ko pa kayang gawin yun!”

Pero gusto niyang mag-remake ng movie ni Alma?

“Oo naman, why not?” mabilis na tugon ng dalaga.

“Kung mabibigyan ng chance, why not? Pero... kasi, grabe naman ang nanay ko! Sobrang sexy kasi talaga niya!

“Hindi ko maipapangako talaga na kaya kong gawin yung ganun. Siguro... parang hindi ko kayang bigyan ng justice.

“Kaya kong maging sexy pero nasa lugar yung pagka-sexy.

"Hindi lang yung nag-two-piece dahil nag-pageant ako, puwede na akong mag-two-piece basta-basta.

Continue reading below ↓

“Hindi ganun. Kailangan, may reason. Kung nasa beach, mag-two-piece, puwede.

“Pero kung nasa mall... Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: After this project, may nakalinya nang bagong project si Winwyn Marquez sa Regal na isang love story.

Hinahanapan pa raw siya ng ka-partner. Sana ang real boyfriend na lang niyang si Mark Herras para may talking point at magkatulungan sila.

Pero mukhang isa sa pinagpipilian ay si Enzo Pineda na mayroon ding non-showbiz girlfriend.

Oh, well, sana maitawid na lang nila nang makatotohanan at epektibo ang next project na ito pagkatapos ng PPP entry na Unli Life.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results