Filmmakers, umalma sa pagbokya ng CEB sa critically-acclaimed films

by PEP Troika
Aug 14, 2018

JERRY OLEA: Best Picture ang Balangiga: Howling Wilderness sa 66th FAMAS Awards at 41st Gawad Urian, ngunit bokya ito sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Himutok ng premyadong manunulat na si Ricky Lee sa Facebook nitong Agosto 14, Martes ng umaga, “Di ko maintindihan kung bakit zero ang ibinigay ng CEB sa Balangiga: Howling Wilderness at sa Gusto Kita With All My Hypothalamus.


“Napakarami nang weird na nangyayari sa ating mundo at nadagdag pa ito.

“Anyway, kung di masusuportahan ng isang government agency na gaya ng CEB ang dalawang pelikula ay tayo na lang ang kumilos.

“Panoorin po natin ang dalawang pelikula at ibalik natin maski konting katinuan sa ating mundo.”

Reaksiyon ni Jerry B. Gracio (sumulat ng Balangiga) sa FB matapos mabasa ang naturang post, “Salamat, Sir Ricky, pwede na akong lumusong sa baha.”

Ang Balangiga at Gusto Kita With All My Hypothalamus ay kabilang sa non-competition films na tampok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng High Tide, Kiko Boksingero, Paki, at Tu Pug Imatuy ay may screenings ang mga ito sa SM North EDSA, SM Megamall, SM Mall of Asia, Gateway Cineplex, Robinson’s Movieworld, SM Manila, SM Fairview, at SM Sta. Mesa.

Si Ricky Lee ang jury head ng nakaraang FAMAS awards.

GORGY RULA: Kung nirespeto natin ang desisyon ng FAMAS at Urian sa pinili nilang Best Picture, siguro respetuhin na rin natin ang desisyon ng CEB, kung hindi nakapasa sa kanilang panlasa.

Saka ang pagkakaalam ko, puwede silang mag-apela sa naturang ahensiya.

Siguro sa halip na maghimutok sa social media, puwede naman sila humingi ng explanation sa CEB kung bakit hindi binigyan ng grado ang Balangiga.

Nakahanda naman sigurong magpaliwanag ang CEB.

NOEL FERRER: Pati ang premyadong direktor na si Lav Diaz ay nagpaabot ng kanyang pagkabahala:

"Nakakapagtaka at lubhang nakakaistorbong isiping itinanghal na Best Picture ang pelikulang BALANGIGA: Howling Wilderness sa QCinema International Film Festival, sa Gawad Urian at sa FAMAS at hindi ito bibigyan ng tama o makatarungan o obhektibong rating man lang ng Cinema Evaluation Board. (Isali na natin ang halos kahalintulad na kaso ng Gusto Kita With All My Hypothalamus).

"Hindi man maalam sa pagtingin sa cinema si Aling Memang, yung kaibigan kong master haberdasher, dagling namali ang tabas niya sa maselang telang T’boli nang mabalitaan niya ito.

"Wika niya sa kanyang kaaway na mananahi: 'Mukhang lumalala ang cultural debacle sa bayang ito. Nauwi na lang ba sa usapang malaki at maliit, malakas at mahina, ang CEB? Bakit yung mga sobrang komersyal na pelikula, dahil lang higante ang mga artista at produksyon ng malalaking kumpanya, agad-agad na binibigyan ng Grade A o B? Halimbawa lang at pagkukumpara, walang malisya at prejudice, yung Ang Panday ni Coco Martin at The Revengers Squad ni Vice Ganda ay parehong binigyan ng Grade B. Kaluoy man intawon ang little filmmaker, day uy. Hirap nang sumakay ng TRAIN.;

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre, umiwas sa diskurso yung isa. 'Mahirap na,' bulong niya sa sarili."

Meron ding post ang direktor ng pelikula na si Khavn dela Cruz tungkol sa shirt.

Ang sabi nito:

“Who wants a shirt? SRP: P500

"Pero LIBRE sa makaaalam kung sino ang 11 CEB members na nagreview ng BALANGIGA: Howling Wilderness."

Let the film discussion and education happen.

Sana may mag-organize ng dialogue at forum at maliwanagan tayo sa mga pamantayan ng pagtatasa ng mga pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results