Indie actress Elora Españo, walang kiyeme sa love scenes

by PEP Troika
Aug 15, 2018

JERRY OLEA: Naka-plaster si Elora Españo habang “kinakabayo” niya ang walang saplot na si Kiko Matos sa short film na You, Me and Mr. Wiggles (kalahok sa katatapos na Cinemalaya 14: Wings of Vision).


Na-arouse ba si Kiko sa eksena?

“Hindi!” pag-iling ni Elora nang matsika namin sa opening ceremony ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino nitong Agosto 14, Martes ng gabi, sa SM Aura.

Kapwa naka-plaster sina Elora at Christian Bables sa pumping scene nila sa Signal Rock (official entry sa PPP 2018)

Sabi ni Christian sa presscon, nadarang siya at nagka-erection.

“Kakalokah! Parang hindi!” natatawang pagtanggi ni Elora.

“Baka yun ang sagot niya! Hindi ko alam, e!”

Nanindigan si Elora na wala siyang naramdaman na tigas-tigasan kay Christian.

NOEL FERRER: Mapangahas si Elora sa mga role niya.

Dito naman sa Signal Rock ni Chito Roño, kay Christian Bables naman siya nakipaglampungan.

Sa tunay na buhay, mapangahas din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana maayos na rin sila ni Angeli Bayani sa gap nila over her ex, Ross Pesigan, na present boyfriend naman ni Angeli.

Basta good luck sa Signal Rock na may 47 theaters ngayon, na ikinaiinggit ni Direk Chito dahil ang ibang PPP entries ay may 100+ na theaters.

Ito ang una kong papanoorin ngayon!

Suportahan po natin lahat ng mga pelikula sa PPP!

JERRY OLEA: Puring-puri rin ni Direk Joel Lamangan si Elora na walang kiyeme sa love scene with Ronwaldo Martin sa Bhoy Intsik.

“Kasi, trabaho po, e!” sambit ni Elora. “Pag trabaho po, siyempre, go lang nang go!

“Saka yung mga direktor ko naman, napakahuhusay!”

Feel ba ni Elora na siya ang bagong Mercedes Cabral?

“Ay! Mabigat yun!” masayang bulalas ng aktres.

“Ibang aktres din si Mercedes. I want to make my own name.”

Iba rin siya kay Angeli Bayani...

“Ahh, yes naman po!” mabilis niyang bulalas.

Mas maganda siya kay Angeli?

“Grabe naman! Iba ang ganda ni Angeli!” nakangiti pa ring sabi ni Elora.

GORGY RULA: Hindi ko kasi napanood ang short film nila ni Kiko Matos.

Pero tapos na ang Cinemalaya, tapos na rin iyan lalo na't di nga yata nagmarka sa jurors ang pelikulang yun.

Siguro pagkatapos kong mapanood ang Signal Rock, makikilala ko nang lubusan si Elora, kagaya rin ni Chanel Latorre na puwede nang sumunod sa yapak nina Sue Prado at Che Ramos na sa indie films lang napapanood.

Pero puwede rin silang ma-elevate sa mainstream films at TV, kagaya ng pinagdaanan nina Angeli Bayani at Mercedes Cabral.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results