Unang araw ng PPP 2018, inulan agad ng problema

by PEP Troika
Aug 15, 2018

NOEL FERRER: Umpisa pa lang ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), heto ang premyadong direktor na si Giancarlo Abrahan (Paki) na humihingi ng saklolo.

“SAKLOLO!

"PPP Special Features Now Showing ba talaga?

"Problema ng ibang pelikula iyung policy na 'First Day, Last Day' sa sinehan.

"Mas masakit pala yung Wala Pang First Day, Nag-Last Day Na!

"Kaibigan ko ang kumuha nito. Ayaw siyang pagbentahan ng tiket.

"Bukod sa wala sa schedule ng sinehan ang BALANGIGA: Howling Wilderness na panonoorin sana niya kasama ang mga estudyante niya. Anong gagawin namin?

"Nandiyan na ang audience, dinala na namin, ayaw ninyong pagbentahan? Ano ba talaga mga ate't koya?!? “

Itong kuhang ito ay mula sa Gateway Cinema.


JERRY OLEA: Priority siyempre ang walong official entries ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Pero base sa program schedule, nakalaan ang Gateway Cinema 9 para sa anim na special features (kabilang ang Balangiga: Howling Wilderness).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anyare?!

Walo ang sinehan ng special features, at naka-program na iyon.

Nakakalungkot kung hindi nasusunod ang schedule, at walang maibigay na sinehan sa special features.

GORGY RULA: Hindi maiwasan ang nga ganung problema.

Ang pagkakaalam ko, may schedule na nakalaan para sa mga special feature. Pero priority siyempre ang walong pelikulang kalahok.

Mabuti yung naipu-post agad sa social media para makarating na sa FDCP ang mga ganitong problema.

Sa totoo lang, maliit lang ito sa mga hinaharap ngayon na problema sa walong entries.

Hindi pa rin daw matapus-tapos ang isyu sa distribution ng mga sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results