Ricky Davao, nagbalik-tanaw sa "foursome" kasama ang tatlong sexy stars

JERRY OLEA: Unforgettable kay Ricky Davao ang foursome nila nina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, at Jaclyn Jose sa White Slavery (1985), opening film ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino nitong Agosto 14, Martes ng gabi, sa Cinema 2 ng SM Aura.


“Noong pagdating ko [sa set], sabi ko, ‘Good morning po, Direk!’ E, ang ingay ni Direk Lino noon, nagbibigay siya ng instructions!” natatawang kuwento ni Ricky matapos ang screening ng White Slavery.

“Ahhh... ‘Dito tayo! Ilagay natin ang ganyan! Tapos, yung tubig, dapat kulay pula! Et cetera, et cetera!’ ‘Good morning po, Direk! Si Ricky po...’

“Twenty-one years old lang ako noon. Sabi ni Direk Lino, ‘O, Ricky, can you act with your balls hanging?’ ‘Haahhh?! Direk, ano po yun?’

“‘Kasi, orgy ang gagawin mo dito, kaya kailangang lumabas ang ano...’”

Fourth shooting day na iyon ni Ricky para sa movie.

Ang nag-plaster sa kanyang private part ay ang production designer.

Ang reaksyon ni Ricky nang mapanood muli ang movie after 33 years, “Nagulat ako na nagawa ko pala yun!”

Ipinagmalaki ni Ricky na Goddesses ng Pinoy cinema ang nakalampungan niya sa eksena, kung saan supposedly ay nagsu-shoot sila ng betamax movie.

NOEL FERRER: Iyan ang tatak Ricky Davao, tunay na aktor at, oo, mga goddess ng Philippine cinema ang nakalampungan.

Mananatiling blind item ang kanyang episode with a really great actress na dahilan ng kanyang pagpanik-panaog ng Baguio kung saan sila nagsu-shooting noon.

That’s why, parang the power of osmosis, working with the best has also made Ricky one of the best actors that we have in our country.

And he’s really brave in his choice of roles, as he hopes to play more challenging roles hangga’t kaya pa niya.

You’ve gone a long way, Alyas Boy Life!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN