Bakwit Boys director, naghimutok pagkatapos tanggalin sa sinehan ang pelikula niya

by PEP Troika
Aug 16, 2018

JERRY OLEA: Naghimutok si Direk Jason Paul Laxamana sa Facebook nitong Agosto 15, Miyerkules ng gabi, kaugnay sa unang araw ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Aniya, “Haaay SM Cinema Clark, tinanggal niyo ang Kapampangan-made film na #BakwitBoys after a day bago pa mapanood ng mga kabalen. Lagi kayong ganyan #nothingnew”


Napaka-ironic!

Nag-open ang Bakwit Boys (idinirek ni Jason Paul Laxamana, at isa sa walong official entries ng PPP 2018) sa 90 sinehan nitong Miyerkules.

Ayon sa producer na si Rex Tiri, baka sa second day ay 105 na ang sinehan ng musical movie na pinagbibidahan nina Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, at Devon Seron.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!

Given nang magkaagaw sa topgrosser slot ng indie filmfest ang The Day After Valentine’s (nina JC Santos & Bela Padilla, sa direksiyon din ni Jason Paul Laxamana) at Unli Life (nina Vhong Navarro & Winwyn Marquez, sa direksiyon ni Miko Livelo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Number one sa unang PPP ang tambalang JC-Bela sa 100 Tula Para Kay Stella (sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana), at maraming blockbuster movies si Vhong.

Simple ang kuwento ng Bakwit Boys, pero humahagod... tumatagos sa puso.

Ang gagaling ng mga bida. Salat sa hysteria, pero makaka-relate ka sa mga hugot at saloobin ng mga karakter nila.

Totoong-totoo sa pelikulang ito ang kasabihang ang musika ay pagkain ng kaluluwa.

Nakakaaliw ang Bakwit Boys. Nakakaiyak. Nakaka-inspire.

NOEL FERRER: Ang Bakwit Boys—tulad ng Signal Rock, Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, at The Day After Valentine's ay Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Kung dumarami man ang kanilang mga sinehang pinagpapalabasan, ibig sabihin, may mga pelikula ring nababawasan.

Ang dalangin ko ay madagdagan pa sana ng mga manonood ang mga pelikulang de kalidad.

Nang manood ako ng sine kahapon—at talagang nagbayad ako, ha, walang MTRCB card at PPP Industry Pass na gamit—naisip ko na sa mahal ng bayad ng sine ngayon (kulang-kulang na PHP300), kailangang mahikayat pa ang mas maraming taong manood ng mga pelikulang Pilipino.

Hindi pa ganun karami ang mga tao sa sinehan kahapon. Sayang itong magagandang pelikulang nakahain na sa atin.

Sige na, kita kits tayo sa sinehan, ha!

GORGY RULA: Ayon kay FDCP Chairperson Liza Diño, The Day After Valentine’s at Unli Life ang naglalaban sa topgrosser sa first day ng PPP kahapon, August 15.

Sabi pa niya, “I think yung The Day After Valentine’s, more than what they earned last year sa first day, na-meet nila.

“At the rest are doing well, nagpi-pick naman yung mga pelikula.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin niya na yung problema sa Balangiga: Howling Wilderness, may pagkukulang din ang producer dahil hindi raw agad nila na-submit yung requirements.


Kahapon, August 15 ng 9:42 ng umaga lang daw nakumpleto yung requirements kaya natagalan ang pag-aayos ng system nito pati sa mga sinehan.

“These are all technical problems that could have been sorted in internally. We don’t have…” hindi na lang itinuloy ni Liza ang gusto pa niyang sabihin, na nakuha naming kesa idaan sa social media, puwede naman daw itong dIretsong iparating sa kanila at pag-usapan ito nang maayos.

“We’re working with them every minute. Yung mga tao ko lahat nakatutok…

"Ang dami na namin dapat na gagawin ngayon, pero nakatutok kami dahil ayaw namin iwanan yung mga commitment namin sa kanila," dagdag pang pahayag ni FDCP Chair Liza Diño nang sandali naming nakatsikahan sa celebrity premiere ng Signal Rock sa Trinoma kagabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results