Vice Ganda, magpapasiklab sa 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid

by PEP Troika
Aug 16, 2018

JERRY OLEA: Kaabang-abang ang pasiklab ni Vice Ganda sa 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na OA, slated on August 24 at the Araneta Coliseum.


“Noong nag-guest kasi ako sa Gandang Gabi Vice, nagpi-piano ako ng 'Kung Mawawala Ka,' 'tapos sinasabayan niya ng 'Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-ibig,'” napapangiting kuwento ni Ogie nitong Agosto 15, Miyerkules ng hapon, sa Hungry Samurai restaurant, Morato Av., Quezon City.

“Nakakatawa, eh! Ang cute niyang gawin!

“So, gagawin namin yung medley ng 'Huwag Ka Lang Mawawala' at 'Kung Mawawala Ka.'

“Medyo konting mash-up. Pero tutugtog ako sa piano. With the orchestra.”

Papuri pa ni Ogie kay Vice, “Magaling kasing kumanta yun. Siya yung walang ano sa sarili niya.

“Parang, ‘Hindi naman ako sineseryoso ng tao!’ Meron siyang ganun, e.

“Sabi ko, ‘Hindi, kakanta ka!’ So...

“Apparently, gustung-gusto niyang kinakanta yung 'Huwag Ka Lang Mawawala.'”

Para kanino?

Mahiwaga ang ngiti ni Ogie, “Ay, dedma! Ewan ko lang sa kanya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA: Itong number nila ni Vice Ganda ang isa sa kaabang-abang.

Pero meron pang Michael V na sa Bubble Gang pa sila huling nagsama. Magku-Korean daw sila na kung saan pinasikat din ni Ogie si Bansot Mee.

Pero ang isa sa gusto ko talagang mapanood ay ang magiging number nila ni Regine Velasquez, na inalayan ni Ogie ng kanta niyang "Pangarap Ko ang Ibigin Ka."

Maaaring may luluha sa kanilang dalawa niyan.

Malamang, pati ang una niyang asawang si Michelle van Eimeren-Murrow ay makikiiyak din dahil love din niya si Regine.

Sasamahan pala ni Michelle ang anak nilang si Sara na magiging bahagi rin ng concert.

NOEL FERRER: Kasama ang “Kung Mawawala Ka” sa mga composition nj Ogie na paborito ko.

Isama na diyan ang “Ikaw Lamang” na modern-day kundiman para sa akin, at siyempre ang “Kailangan Kita.”

Noong kabataan namin ni Ogie, lagi siyang nagku-compose para sa mga taong espesyal sa kanya.

Paborito ko rin ang “Bakit Ngayon Ka Lang” at “Ikaw Sana.”

Naaalala ko pa noong bago pa lang siya at nasa Freshman Orientation Seminar ng Ateneo nang kantahin niya ang “Peksman.”

Noon pa man, kinakitaan siya ng husay, hanggang nag-aral talaga siya at gumawa ng significant projects, pati na teatro (na major challenge sa mga pop artists), hanggang naging presidente siya ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Buo ang paghanga at paggalang ko kay Ogie Alcasid.

Kaya sabi ko nga kaym Tito Gorgy, hindi natin dapat palampasin ang 30th anniversary concert niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results