Ricky Lee, patuloy ang workshop para sa aspiring screenwriters

by PEP Troika
Aug 16, 2018

JERRY OLEA: Absent si Niño Muhlach sa first day ng special scriptwriting workshop ni Ricky Lee nitong Agosto 15, Miyerkules, pero nakarating ang ipinadala niyang special ensaymada.

“Dinala sa hospital ang dad ko, e,” sabi ni Onin.


Nakadalo sa pagsisimulang ito ng Wednesday scriptwriting workshop (4 or 5 sessions) sina Direk Perry Escaño, Inday Garutay, showbiz journalists na sina Julie B. Gaspar, Mell Navarro, Ronald Rafer, Melchor Bautista, at marami pang iba.

Gustong lumahok ni Andi Eigenmann sa workshop na ito, ayon sa ina niyang si Jaclyn Jose.

Ongoing ang regular workshop (10 to 14 sessions) ni Ricky Lee tuwing Linggo sa kanyang tahanan, kung saan 31 ang students.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1982 nagsimulang mag-scriptwriting workshop si Ricky, at kabilang sa mga tinuruan niya sina Jeffrey Jeturian, Lav Diaz, Bing Lao, Leo Abaya, at marami pang iba.

Last year ay tatlong batch ang tinuruan niya sa pag-iiskrip.

Libre lahat ito.

NOEL FERRER: Sina Xian Lim at John Lapus, na ngayo’y mga direktor na rin, nanggaling sa workshop din ni Ricky Lee.

Since we are in the industry of storytelling, mabuti talagang magsanay ang mga nasa hanay natin sa mahusay pagkukuwento.

Nais kong papurihan si Ricky dahil ito ang misyon niya—ang pag-give back niya sa industriya. Walang bayad ang mga workshop na ito.

Mula sa puso ng iginagalang na manunulat at magaling na mentor at mahal na kaibigan—si Ricardo Lee!

GORGY RULA: Mataas naman ang paggalang ko kay Sir Ricky Lee, kaya maganda yung ginagawa niyang pagbibigay ng libreng workshop sa mga manunulat.

Pero hindi kasi maiwasang maintriga at ang iba ay nagkakaroon ng pagdududa dahil marami na kasi akong naririnig na reklamo ng ilang workshoppers—hindi kay Sir Ricky, ha?

Ang iba kasing nakausap kong writers na dumaan sa scriptwriting workshop, nagugulat na lang daw sila na ginawang peikula ang kuwentong ginawa nila, pero hindi na sa kanila credited.

Ang iba kasing karanasan ng ilang workshoppers, nakukunan lang pala sila ng ideya para gawing kuwento ng nagpapa-workshop.

So far, wala pa naman akong naririnig na reklamo mula sa pa-workshop ni Sir Ricky Lee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results