Bela Padilla-JC Santos movie, topgrosser sa first day ng PPP 2018

by PEP Troika
Aug 16, 2018

NOEL FERRER: Sana’y patuloy pa rin ang mga kababayan natin sa pagsuporta ng mga pelikulang kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018.

Ang tatlong frontrunners na nakaabot ng million mark sa opening day nito kahapon, August 15, are as follows:

1) The Day After Valentine's - PHP6.6M
2) Unli Life - PHP3.2M
3) Ang Babaeng Allergic Sa WiFi - PHP1.1M


The Day After Valentine's / Unli Life / Ang Babaeng Allergic Sa WiFi

Ang iba’y hindi man lang kumapit sa 1M-mark sa kanyang opening day gross.

Nasaan na ang manonood na Pinoy na naghahanap ng magagandang panoorin?

Bukod sa tatlong nabanggit na pelikula, tangkilikin ninyo ang iba pang lahok tulad ng Pinay Beauty, We Will Not Die Tonight, Bakwit Boys, Madilim Ang Gabi, at Signal Rock.

Isama rin po natin ang Special Features na Balangiga: Howling Wilderness, High Tide, Gusto Kita With All My Hypothalamus, Kiko Boksingero, Paki, at Tu Pug Imatuy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Let’s give the producers of quality films our support. Sayang naman ang magandang pinagpaguran nila, di ba?

JERRY OLEA: Hoy! Tama na ang iyak! May nanalo na!

Tweet ng Viva Films nitong Agosto 16, Huwebes, PHP7.5M (!!!) ang first day gross ng The Day After Valentine’s.

Paandar pa ng Viva, #1 sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang istorya nina Miss Repairman (Bela Padilla) at Broken Boy (JC Santos), sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Lucky charm si Tita Vicky (Hermie Go)?!

Or History repeats itself?!

Sa PPP last year, #1 ang 100 Tula Para Kay Stella na pinagbidahan nina Bela-JC, idinirek ni JPL, at iprinodyus ng Viva.

GORGY RULA: Magaganda naman ang Top 3 top-grossing films na mayroong mahigit 100 sinehan.

Mahirap makahabol ang iba dahil wala pang 100 ang mga sinehan nila, at ang iba ay nabawasan pa.

Pero gusto ko rin sanang ipakiusap sa readers natin na panoorin din nila ang Bakwit Boys at Signal Rock.

Mangilan-ngilan lang kaming nanood ng Bakwit Boys sa TriNoMa kagabi, August 15.

Pagkatapos ng pelikula, nagpalakpakan ang mga tao.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakwit Boys

Sana ikalat din ng mga taong nagpalakpakan na dapat panoorin ito dahil maganda ang obra ni Direk Jason Paul Laxamana, at magagaling ang mga artistang bida, lalo na sina Vance Larena at Ryle Santiago.

Napaka-positive at inspiring ang kuwento. Sana tangkilikin natin ito.

Pakiusap naman ni Direk Chito Roño, lalo na sa mga probinsyano, sana panoorin daw nila ang Signal Rock dahil dito mo raw talaga makikita ang buhay sa probinsiya lalo na sa mga maliliit na bayan.


Signal Rock

“Dito kasi sa pelikula yung kuwento na hindi lang mga kontrabida mga ganun.

"Meron ding maliliit na tao na simple lang ang buhay, pero maganda ang kuwento. Totoo ang kuwento," pahayag ni Direk Chito pagkatapos ng celebrity premiere na ginanap sa TriNoMa kagabi.

Dalawang taon daw niyang inayos ang kuwento nito, at naghintay siya ng producer. Kaya hindi niya napigilang mapaluha nang pinuri ng mga nakapanood ang kanyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malapit sa akin talaga ang movie na ito, kasi di ba tayo mga Bisaya, lahat tayo probinsiyano, pareho tayong lumaki sa ganung klaseng simple lang ang buhay.

"Maipagmamalaki natin na kaya nating tumayo," dagdag na pahayag ni Direk Chito, na sapu-sapo pa ang kanang mata  dahil nahulog pala nung gabing iyon ang contact lens ng kanang mata niya.

Kaya ang kaliwang mata lang niya ang nakakakita.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results