Vhong Navarro, tahimik lang sa planong pagpapakasal kay Tanya Bautista

GORGY RULA: Hindi pa rin nagbibigay ng detalye si Vhong Navarro pagdating sa balak na pagpapakasal.

Napag-usapan na raw nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Tanya Bautista na gawing tahimik ang tungkol dito dahil.


“Ayaw niya kasi na pag-usapan pa, kasi hindi naman siya showbiz. Tahimik lang ito, e,” pakli ni Vhong nang nag-promote ng Unli Life sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH, kagabi August 16.

Dagdag niya, “Basta tulad ng sinasabi ko dati, siya na ang gusto ko makasama forever.

"Kung ano man yung nangyari sa buhay ko, gusto ko siya na ang makasama ko habang buhay."

Ang isa pang ikinatutuwa ng comedian-TV host, close daw ang kanyang partner sa mga anak niyang parehong binata na.

Parang magkakabarkada lang daw kasi sila. Dati raw ay sine lang ang bonding nila, pero ngayon ay kalaro na raw niya ang mga anak sa basketball.

Kuwento pa ni Vhong, “Yung tita nila, si Tanya yung girlfriend ko, ganun din kung paano nila pakisamahan.

"Pero siyempre, merong parang tinatawag na may hangganan.

"Hindi naman puwede na ganun lang palagi na parang magkabarkada, siyempre nandiyan pa rin ang respeto."

Sa ngayon ay masaya si Vhong sa box-office results at feedback sa Unli Life.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang makasama uli sa isang proyekto si Toni Gonzaga dahil iba raw talaga ang chemistry nila at matagal na silang hindi nagkakatrabaho.

Wish din daw sana niyang makagawa ng malaking pelikula kasama ang co-hosts niya sa It's Showtime na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

“Mahirap pa siguro yun, lalo na sa schedule,” nakangiti niyang pahayag.

JERRY OLEA: Nawa’y magkamit ng unli-kapayapaan at unli-kaligayahan si Vhong sa piling ng kanyang pamilya.

Maiaayos niya ang lahat-lahat sa tamang panahon!

NOEL FERRER: Mukhang nahanap na ni Vhong ang kanyang katuwang na panghabangbuhay, not only during good times kundi kasama rin niya sa pagbuno sa madilim na isyung kinasangkutan niya noon.

Maaayos din lahat iyan! Pati na ang maganda niyang hangad na magsama-sama sila nina Vice Ganda at Anne Curtis sa isang pelikula.

Sana mas marami pang makapanood ng pelikula niyang Unli Life sa takilya.

Weekend na, kaya hataw PPP!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN