Darna ni Liza Soberano, pang-trilogy?

by PEP Troika
Aug 17, 2018

NOEL FERRER: Ngayon na ang huling gabi ng napakahirap at buwis-buhay na i-mount na Bagani.

In fairness, napangatawanan naman ng produksiyon ang magandang mounting ng epic teleseryeng ito ng ABS-CBN, na talaga namang ginastusan at binigyan ng masusing pag-aalaga.

Pagkatapos nito ay papasok naman ang classic teleserye ng JoshLia tandem in their first soap opera together, ang Ngayon at Kailanman.

After Bagani, sasabak na si Liza Soberano sa matindjng training kasama ang Thai trainor nila para sa Darna, which will go on full force shooting ngayong August to September.


Continue reading below ↓

Well, matagal at madugo pa ang pagdadaanan na proseso ng Darna, but it’ll be all worth it kapag nabuo na ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dahil sa rights na nakuha ng Star Cinema, hindi lang siya natatapos sa isang episode, kundi hanggang Book 3, kaya Go, Go, Go Darna!

JERRY OLEA: Wow! Trilogy ang Darnani Liza Soberano?!

Vilma Santos ang peg?! Apat na beses nag-Darna si Ate Vi, di ba?!

Si Rosa del Rosario ay nakadalawang Darna movies noong 1950s, ganun din si Liza Morena nung 1960s.

Karamihan sa mga Darna, one-time, big-time sa TV man o pelikula.

Si Liza ang magiging definitive Darna para sa mga millennial!

GORGY RULA: Sangkatutak na ang publicity sa Darna ni Liza Soberano. Pero hindi pa sila nangalahati.

Pero sabi ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, tuluy-tuloy na ang shooting.

Inuuna lang daw muna nila ngayon ang mga Narda scenes nito, dahil madugo talaga ang eksenang Darna.

Continue reading below ↓

Sana matapos na ito mid-year ng 2019. At mukhang totoo ngang malaki talaga ang budget nito, na baka umabot ng PHP200 million.

Confirmed na bang kasali si Iza Calzado, Sir Noel?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results