Dalawang pelikula ni Jason Paul Laxamana, magkaiba ang sinapit sa PPP 2018

by PEP Troika
Aug 18, 2018

JERRY OLEA: Masaya si Direk Jason Paul Laxamana sa ongoing 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Dalawa ang pelikula niyang pumasa, pareho pang Graded A ng CEB.

Topgrosser ang idinirek niyang The Day After Valentine’s noong 1st & 2nd day (Agosto 15 & 16).

Tweet ng Viva Films, naka-P14.1M ito sa loob ng dalawang araw.

Pero hindi kumpleto ang kasayahan ni Direk JPL. Ramdam namin ang panlulumo niya sa isa pa nitang pelikula na Bakwit Boys.


Post ni Direk Jason Paul nitong Agosto 17, Biyernes, sa Facebook, “OK, so tinanggal pala ang BAKWIT BOYS sa lahat ng SM sa Pampanga: SM Cinema Clark, SM Cinema Telabastagan, SM Cinema Pampanga.

“Actually never siya napalabas sa SM City San Fernando Downtown (understandable kasi 3 lang ang sine diyan).

“Nice. What is hometown support? At kami ba talaga pinakakulelat diyan para matanggal kami sa tatlong malalaking SM ng lalawigan?

“Ni slide screening, wala?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, mas nagustuhan ko ang Bakwit Boys kesa sa The Day After Valentine’s.

NOEL FERRER: In the end, kailangang i-evaluate muli ang PPP based on the objectives and promises it gave to the filmmakers and producers.

At tayo rin bilang manonood, moreso ang power ng mga manunulat at kritiko, paano nga ba natin sinuportahan ito para maitulay ito sa audience ng pelikulang Pilipino?

Tulad ng iba pang festivals, the PPP is founded on very good objectives. Paano kaya ito naiba sa ibang filmfest na wanting pa rin sa mga audiences?

Habang matingkad pa rin sa akin ngayon ang panghihinayang sa mga nangawalang pelikula sa mga sinehan, paglimian natin kung bahagi tayo ng dahilan ng ganitong sitwasyon.

Imbes na sisihin natin ang manonood, dapat yata ay tingnan natin ang ating sarili at ang tungkulin sa industriya.

Ano pa ba ang maitutulong natin?

Sorry at sobrang nanghihinayang talaga ako sa mga magagandang pelikulang mawawala na dahil hindi tinatao sa mga sinehan.

Hindi kasi totoong kulang tayo sa magagandang pelikulang Pilpino. Pangatawanan at suportahan sana natin ang mga ito.

GORGY RULA: Sana kahit papano, makabawi naman itong mga matitinong pelikula sa Gabi ng Pasasalamat ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Whitespace sa Makati bukas, August 19, na magsisimula ng alas-singko ng hapon.

Pasasalamat daw ito sa lahat na nakibahagi sa ngayong taong PPP at pagdiriwang na rin ng Philippine Cinema.

Hindi raw ito awards night sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño. Pero magbibigay sila ng citation sa mga deserving na pelikulang kalahok.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magbibigay sila ng Critic’s Choice na siguro agree naman ang mga nakapanood na ibigay ito sa Signal Rock.

Meron ding Audience’s Choice na puwedeng ibigay sa The After Valentine’s o di kaya sa Unli Life.

Meron din daw silang Special Jury na sana ibigay na sa Bakwit Boys bilang napaka-positive ng hatid na mensahe tungkol sa pagsisikap at pagtitiyaga para matupad ang pangarap, at pagmamahal sa pamilya.

Mala-fiesta ang konsepto nitong Gabi ng Pasasalamat na Visayan fiesta ang tema, kung saan maghahanda ng mga Visayan dish at magkakaroon ng live performances mula sa mga paborito nating OPM at Vispop artists.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results