Miss Granny, papatok kaya gaya ng South Korean version?

JERRY OLEA: Walang subtitle ang South Korean drama na Miss Granny (2014) na napanood ko sa iFlix, pero naintindihan ko ang istorya nito at napaiyak ako.

Ang galing-galing kasi ni Na Moon-hee bilang septuagenarian na biyuda, ganun din si Shim Eun-kyung na gumanap bilang 20-anyos na bersiyon niya.

Wagi sa takilya!

Kaya may Pinoy version ito, na tampok ang 71 years old na si Nova Villa at ang 30 years old na si Sarah Geronimo.

Nineteen years old si Shim Eun-kyung nang ipalabas ang Miss Granny, kaya hindi nakakaasiwa na gumanap siya bilang 20 years old.


Si Sarah, magaling na singer.

Kung faithful ang Pinoy adaptation ng Miss Granny sa orig, ang love interest ni Sarah ay hindi ang 29 anyos na si Xian Lim, at lalong hindi ang 25 anyos na si James Reid, kundi ang 66 anyos na si Buboy Garovillo.

Kasabay ng showing nito sa August 22 ang Crazy Rich Asians (kung saan may cameo si Kris Aquino), at ang animated movie na Hotel Transylvania 3: A Monster Vacation (na ang trailer ay labis na nakaka-engganyo at umabot na sa $382M ang worldwide gross).

Sa August 29 naman ipapalabas ang KathNiel movie na The Hows Of Us, touted as “the movie event of the year.”

NOEL FERRER: Isang malaking suspension of disbelief talaga na si Sarah at Nova Villa ay iisa, but I’m willing to give it a chance lalo pa’t bihira at pili lang kapag gumawa si Sarah ng pelikula.

At ang KathNiel movie din, tunay na nakakapukaw ang kanilang trailer.

Sana ay kumita ang mga ito at maging tunay na hudyat ng pagbabalik ng pagpanood ng Pinoy audience sa mga sinehan.

Isama na rin ang Crazy Rich Asians na may mga Pinoy actors din tulad ni Kris Aquino. Suportahan natin ang sariling atin!

GORGY RULA: Sa totoo lang, medyo duda ako sa Miss Granny ni Sarah pero sana mali lang ako. Sana mag-hit pa rin dahil wala namang nagmintis sa mga pelikula ni Sarah.

Pero mas malakas kasi ang feeling kong magwawagi talaga sa takilya ko ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Magaling kasi talaga mag-promote ang ABS CBN.

Dagdag pa ang todong suporta ng KathNiel fans na ngayon pa lang, mahigit 150 block screenings na raw ang ipina-schedule nila.

Gusto ko ngang hingin ang pagkakataong ito na starting next week mamimigay ang radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH ng tickets para sa block screening ng The Hows of Us.

Sponsored ito ng mga mayayamang KathNiel fans na talagang gumagastos para sa huling pelikulang pagsasamahan ng sikat na love team na ito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN