Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, matindi ang tusok sa puso

by PEP Troika
Aug 18, 2018

JERRY OLEA: Aries & Norma & Leo. Naalala ko ang pelikulang Vince & Kath & James sa Ang Babaeng Allergic Sa WiFi.

Sa VKJ, magpinsan ang papel nina Joshua Garcia & Ronnie Alonte. Matalino si Joshua, campus heartthrob si Ronnie na BF ni Julia Barretto.


Joshua Garcia, Julia Barretto, and Ronnie Alonte in Vince & Kath & James

Sa ABASW, magkapatid sina Jameson Blake & Markus Paterson. Matalino si Jameson, campus heartthrob si Markus na BF ni Sue Ramirez.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Markus Paterson, Sue Ramirez, and Jameson Blake in Ang Babaeng Allergic Sa WiFi

Hindi nalalayo ang acting ability ni Markus sa kakayahan ni Ronnie.

May ilang eksena sa first half na napangiwi ako pero yung last quarter, matindi ang tusok sa puso.

Hindi lang basta kurot!

Maliban sa Bakwit Boys (directed by Jason Paul Laxamana), itong Ang Babaeng Allergic Sa WiFi (directed by Jun Robles Lana) ang highly recommended ko sa walong official entries ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

NOEL FERRER: Tunay ka, Tito Jerry! Iba ang kurot sa puso ng Ang Babaeng Allergic Sa WiFi.

Iba talaga ang tatak Idea First at Jun Inta-Lana.

Buti naman at dumarami pa ang taong nanonood nito at sana, with the good word of mouth, lumaki pa ang kita nito in the next days, lalo pa’t weekend.

Sorry, pero medyo makulit tayo.

Pinapanood ko sa pamilya ko ang Signal Rock at nakakalungkot na mabibilang lang sa daliri ang mga tao. Nawala na nga raw ito sa ibang mga probinsiya.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Christian Bables in Signal Rock

Maganda ang pelikula at kita mong binusisi ang lahat ng elemento nito. Pati nga ang young superstar na si Judy Ann Santos ay tumulong din sa pelikulang ito.

Sana mas marami pang mga taong makapanood nito at ipagsabi kung gaano kaganda ito, at hikayatin pa ang madlang suportahan ito.

Sana ang mga kritiko, ang mga manunuri, ang mga reviewers at mga kasamahan natin sa panulat, tumulong sa pagpapa-appreciate sa mga tao ng ganitong klaseng kuwento.

Hindi tuwing awards night lang dapat nabubuhay ang critical practice kundi ka-partner dapat ito sa pagsuporta at pagtulak ng mahuhusay na pelikula.

Dapat mangusap ang mga kritiko at reviewers sa mga tao, hindi lang sa kanilang hanay, para mapalawak pa ang appreciation ng ganitong efforts na nangangailangan ng ating tulong.

Basta, kapit bisig sana tayo sa pagsuporta sa magagandang pelikula... lagi!

GORGY RULA: Magpasalamat na lang tayo na meron nang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kahit papano'y nabubuhay ang mga patay na araw sa takilya kagaya nitong ghost month.

Nabibigyan din ang mga maliliit na producer ng pagkakataong makagawa pa ng mga pelikula dahil madalas na mga malalaking producer ang namamayagpag sa MMFF.

Pilit pa ring maging active ang ating movie industry.

Kausap ko nga si Mother Lily kahapon, hindi raw siya nag-e-expect ng malaki sa mga pelikula niya sa PPP.

Sobrang happy na raw siya sa Unli Life ni Vhong Navarro.

Medyo nalungkot lang siya sa Signal Rock dahil best effort talaga para umalagwa pa ito.

Pero sabi naman ni Christian Bables na bida nito, medyo nabawasan ang pagkadismaya niya na konting sinehan lang ang nabigay sa pelikula niya, dahil pawang papuri raw at magagandang feedback ang natanggap nila sa mga nakapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana ikalat pa raw ng mga nakapanood na dapat talagang panoorin ang Signal Rock.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results