GORGY RULA: Katatapos lang ng Gabi ng Pasasalamat na ginawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa Whitespace sa Makati.
Nilinaw ng FDCP Chairperson Liza Dino na hindi ito awards night.
Mala-fiesta lang daw ang konsepto ng selebrasyon bilang pasasalamat sa lahat na naging bahagi at tumulong sa ngayong taong PPP.
Nagbigay lamang sila ng special citation sa ilang pelikulang nag-stand out sa PPP ngayong taon.
Wala silang piniling Best Actor at Best Actress, pero binigyan nila si Christian Bables na bida ng Signal Rock ng Special Jury for Outstanding Acting.
Ang pelikulang Bakwit Boys at The Day After Valentine’s na parehong dinirek ni Jason Paul Laxamana ang binigyan ng Audience Choice Awards.
At ang Critic’s Choice naman ay iginawad sa pelikulang Signal Rock ni Direk Chito Roño.
NOEL FERRER: Congratulations at deserving naman talaga ang mga binigyan nila ng citations.
Pero pagkatapos nito, sana dumami pa rin ang mga hahabol para manood ng mga pelikulang lahok sa PPP sa mga sinehan lalo pa’t holiday sa Quezon City bukas at national holiday naman sa Tuesday.
Ako naman, hinabol kong panoorin muli ang Balangiga at kailangan pa rin nating magkaroon ng pagsusuri talaga sa composition at kalakaran ng Cinema Evaluation Board.
Dahil ang mga akademiko na nakapanood sa SM North EDSA ay nagpalakpakan pagkatapos ng palabas at nagsa-suggest na sana ito ang isumite natin na Philippine entry to the Oscars.
Sabi ng mga akademiko, on a lot of fronts, the film broke a lot of conventions, even Hollywood film aesthetics. It represents the best of Philippine filmmaking—creative and critical. Unconventional, very poetic, non-melodramatic, minimalist.
The members of the CEB who voted against it has a lot of learning to do—and should view a film in its various context: historical, aesthetics, political and others.
Sabi nga ni Sir Roy Iglesias na kasama ko kahapon sa isang film seminar na pang estudyante, “I gave it an A-grade, and I was surprised that when I left, most of my co-members didn’t grade it at all.”
Magandang subaybayan ang mga pagbabago sa kalakaran ng film evaluation pagkatapos ng magandang test case na ito.
JERRY OLEA: Congrats sa tatlong Graded A movies na pinarangalan sa thanksgiving party ng PPP 2018.
Wish ko lang na naparangalan din ang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi.
Sa walong kalahok sa indie filmfest ng FDCP, we won’t dare say which are the two films we find lacking in beauty.