Richard Gomez, shooting ng movie nila ni Sharon Cuneta ang aatupagin pagkatapos ng Asian Games

by PEP Troika
Aug 20, 2018

NOEL FERRER: Nakaka-proud si Richard Gomez dahil siya ang nagsisilbing head delegate ng ating Philippine contingent sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.


Ngayong umaga, August 20, um-attend siya ng Organizing Committee meeting dahil hinarap nila ang sari-saring concerns about the rules and regulations, pati na ang mga hinaing ng athletes.

Nasabi ni Goma na nagrereklamo ang international delegates sa pagkain nila kagabi, August 19, dahil ang sinerve daw ay cold sandwich.

Buti na lang masurin at mabait ang Pinoy delegates, walang reklamong narinig at nagkanya-kanyang diskarte na lang sila.

Nauna nang nanalo ang basketball team natin kontra Kazakhstan. Hintay na lang tayo sa laro nila against China.

Si Hidilyn Diaz at ang weightlifting team naman ay lalaban bukas, August 21. At marami pa tayong atletang palaban kaya ipagpatuloy natin ang dasal at suporta!

Back to Goma, pagkatapos na pagkatapos ng Asian Games, ballk-Pinas siya para gawin ang pelikula nila ng Megastar Sharon Cuneta na 3 Words To Forever para sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam niyo kung ano ang maganda sa setup ng shooting na iyan under Direk Cathy Garcia-Molina? Sa mismong Ormoc City kukunan ang ilang eksena nila.

Kaya double purpose ito: maipapakita ang ganda ng lungsod ni Mayor at kapag tengga at set-up time nila ay puwede siyang gumawa ng kanyang mayoralty duties sa kanilang bayan ng Ormoc.

Ang saya, di ba?

JERRY OLEA: Matagal nang atleta si Ormoc City Mayor Richard Gomez, kaya alam niya ang mga hinaing at kailangan ng athletes sa mga ganitong event.

Alam na niya kung paano dumiskarte.

Anuman ang sine-serve sa athlete’s food hall, alagang-alaga ang Philippine delegates.

Nasa IG Stories ni Chris Tiu na nag-treat si MVP sa isang steakhouse sa Jakarta para sa ating mga atleta.

Bonggabella!

GORGY RULA: Di ba, meron namang sandwich na sini-serve na malamig?

Pero alaga naman mga atleta natin, di ba?

Bongga ang pa-steak ni Sir Manny V. Pangilinan sa mga basketball players natin!

Masaya ako for Mayor Goma dahil alam naman natin ang passion niya sa sports.

Sana maganda ang resulta nila para bawing-bawi naman tayo pagkatapos ng nakaraang 'basketbrawl.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Richard Gomez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results