Bojo Molina at ibang dating Star Circle artists, nagkaroon ng mini-reunion

NOEL FERRER: Nandito sa bansa si Bojo Molina, ang ka-love team noon ni Mylene Dizon at ex-boyfriend ni Rica Peralejo.

Dumating siya noong Friday, August 17, at paalis siya tonight, August 20.

It’s primarily for a medical check-up na nagbunga na rin with talks sa ABS-CBN Global at isang mini-reunion ng ilang Star Circle artists.

Bojo is now connected sa LaserTech Pacific Corporation where he is in events and marketing services in Guam.

Super identify siya sa pinanood na Huling El Bimbo musical sa Resorts World Manila dahil panahon niya ang Eheads music.

Natuwa rin siya sa biglaang pagkikita nila ng !OKa Tokat co-actors na sina Agot Isidro at Ricky Davao.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa get-together naman ng Star Circle, masaya silang nag-reunion ng Canada-based couple na sina Aurora Halili Laurel and Don Laurel, na nagbabakasyon sa Pinas after being away for 17 years.


Kasama rin sa mini-reunion sina Calatagan Vice Mayor Andrea del Rosario, Adrian “Luis” Alandy at ang misis niyang si Joselle, Angelo Diego Castro II and his wife Angela Cancio Lagunzad, Denise Joaquin (Batch 6), Me-Ann So (Batch 8), and some ABS-CBN Star Magic officers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(L-R) Adrian Alandy, Diego Castro, Bojo Molina, and Don Laurel

Plano ni Bojo na dalhin ang kanyang mag-anak sa Pilipinas para rito mag-Pasko dahil iba pa rin daw ang Pasko sa atin.

JERRY OLEA: Well, kung nagre-reunion ang That’s Entertainment stars & starlets, sino ang pipigil sa pagre-reunion ng Star Circle alumni?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aba! Hindi ba’t ang mga matatandang artista ng Big Four (Sampaguita Pictures, LVN Pictures, Lebran at Premiere Productions) ay lagi-lagi ring nagre-reunion at sa tuwi-tuwina’y napag-uusapan ang medication?

Noon kasi ay sa mga lamay lang sila nagkikita-kita, kaya bumuo sila ng grupo na regular ang “meeting.”

Iyong mga taga-That’s at taga-SC ay nasa level pa lang na buhay-pamilya ang pangunahing pinag-uusapan.

GORGY RULA: Naku, hindi na kilala si Bojo Molina ng millennials.

Mahigit sampung taon na rin nung pumunta ako ng Guam at na-meet namin siya roon.

Sinasabi niyang nami-miss na niya ang pag-arte, pero mukhang happy na siya sa kanyang kalagayan sa Guam, kaya hindi naman niya talaga pinu-push na magbalik-acting.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close