Vhong Navarro, itinangging umalis na sa It's Showtime si Billy Crawford

by PEP Troika
Aug 21, 2018

GORGY RULA: Pinabulaanan ni Vhong Navarro ang kumakalat na kuwentong umalis na si Billy Crawford sa It’s Showtime.

Nakausap ng PEP Troika si Vhong sa victory party ng Regal Multimedia kaninang hapon, August 21, at itinanggi niyang iniwan na sila ni Billy sa kanilang noontime variety show.


Continue reading below ↓

Kailangan lang daw mag-leave ni Billy sa programa nila dahil ang dami pa nitong kailangang tapusin, saka kailangan din daw muna nitong magbakasyon.

“Parang in-enjoy lang niya muna ang bakasyon after the wedding.

"Saka ang dami niyang shows. Nag-finals pa ang Your Face Sounds Familiar.

“In-enjoy din niya ang buhay may-asawa,” pahayag ni Vhong.

Umiiling at mabilis na sinabi ni Vhong na walang isyu sa programa nila si Billy. Pinagbigyan lang daw ang hiling ng singer-TV host  na mag-leave muna.


Continue reading below ↓

“Ang dami niya kasing gustong gawin.

"Kaya ang hirap kung pagsabayin niya ang Showtime 'tapos yung buhay may-asawa, ang bago niyang show, may album pa. Kaya ibinigay na muna sa kanya.

“Ang tagal na niyang gustong gawin, 'tapos hindi niya magagawa kasi ang dami niyang sked. Tapusin niya muna yun.

“Hindi pa niya nasabi kung kailan siya makakabalik,” saad ni Vhong.

Samantala, masaya ang bida ng Unli Life sa pa-victory party ng Regal sa box-office success ng kanyang pelikula.

Pabirong sabi ni Mother Lily sa kanya, “Lalo mo ako pinayaman.”

Kaya tiyak na magkakaroon daw ng kasunod na project ang Regal para kay Vhong.


Continue reading below ↓


JERRY OLEA: O, siya, pahinga kung pahinga!

Mabuting makapag-recharge muna si Billy at magkaroon ng sapat na panahon para sa kanyang asawa.

Bata pa lang si Billy ay kumakayod na. Dapat lang na magbakasyon siya para hindi ma-burn out!

NOEL FERRER: Okay namang magbakasyon... basta maayos na nakapagpaalam.

Ang mahirap lang diyan ay kung masanay na ang audience na nakabakasyon ka, dahil alam niyo naman ang TV audience, mabilis magbago ng taste.

Basta productive pa rin sana si Billy kahit nakabakasyon.

E, si Vhong naman, hinihintay na rin lang kung kailan siya lalagay sa tahimik at magpapakasal na.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results