NOEL FERRER: Hindi man tayo pinalad at muntik lang manalo ang Gilas Pilipinas sa basketball against China kagabi, August 21, isang magandang balita naman ang sumalubong sa atin sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold sa women’s weightlifting, making her the strongest woman in Asia!
IMAGE SPIN.ph
Bilang malapit siya sa atin, saksi ako sa grabeng pinagdaanan niyang training noong nandito pa lang siya sa Pinas.
And she even went on a leave of absence sa Management Course niya sa De La Salle University para mag-concentrate siya sa matinding training in preparation for the Asian Games.
Ang masaya pa rito ay may special message siya sa ating PEP Troika right after winning in her category.
Now, she is dubbed as Asia’s Strongest Woman.
Congratulations at salamat, Hidilyn, sa pagbibigay sa ating bansa ng good news at inspirasyon lagi!!!
JERRY OLEA: Nakaka-good vibes! Ang saya-saya!
Salamat sa karangalang nakamit mo para sa ating bayan!
Mabuhay ka, Hidilyn!
GORGY RULA: Nakatutuwang pagkatapos niyang magka-silver sa Olympics 2016, gold naman ngayon sa Asian Games.
Kaya magsisilbing inspirasyon ito sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataang tinuturuan niya.
Ang latest na balita kay Hidilyn, mananatili raw siya roon sa Jakarta, Indonesia hanggang sa matapos ang Asian Games para magbigay ng suporta sa ating mga atleta.
Totoo kayang susunod doon ang boyfriend niyang si Julius Irvin Naranjo na manggagaling pa sa Amerika para samahan siya roon at maki-celebrate sa tagumpay ni Hidilyn?
Masaya ito!