Ngayon at Kailanman ng ABS-CBN, pinataob sa ratings ang Onanay ng GMA-7

by PEP Troika
Aug 22, 2018

NOEL FERRER: Medyo misleading daw ang Lavinia Arguelles moment ng kaibigan nating si Cherie Gil with her mom, Rosemarie Gil.

Magkatapat ang prime-time series ng mag-ina: Si Cherie ay nasa cast ng Kapuso prime-time series na Onanay, habang si Rosemarie ay nagbabalik-telebisyon via ABS-CBN's Ngayon at Kailanman, na nag-pilot episode noong Lunes, August 20.

Ang premise kasi ni Cherie bago ginawa ang signature Lavinia Challenge ay buong-ningning nitong sinabi na, “Kamusta naman, Mommy, at mas mataas ang rating ng show namin kaysa sa inyo, ano ang masasabi mo?"

Kaunod nito ang paglinya ni Rosemarie ng: "You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat."

Nakakuha kami ng comparative ratings noong Lunes, August 20.

Dito ay parehong ligwak sa Kantar at AGB ratings, hindi lang ang Onanay kundi ang iba pang Kapuso shows na Victor Magtanggol (versus Ang Probinsyano) at Wowowin (versus Meteor Garden).

Nagbiro pa nga ang kausap ko na paghahandaan na nila ang reaksiyon na big boss nila pagdating ng ProgCom meeting nila dahil sa lumabas na ratings.

Continue reading below ↓

Again, sustained quality at ratings should go hand-in-hand para maging epektibo talaga ang mga palabas.

GORGY RULA: Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako kumbinsido sa survey ng Kantar.

Sa tingin ko lang, mas reliable pa rin ang nanggagaling sa NUTAM survey ng AGB.

Kasisimula pa lang naman nitong bagong teleserye ng JoshLia (Ngayon at Kailanman), at maaring na-curious pa ang mga manonood.

Tingnan natin sa mga susunod na episodes kung kaya nilang ma-maintain.


Continue reading below ↓

Naramdaman ko kasi ang lakas ng Onanay dahil kahit sa radio program namin, maraming listeners ang humihiling na kung puwedeng makapanayam daw namin si Jo Berry.


Maganda na ring ganitong napi-pressure silang pagandahin ang mga programa nila para sa lalong ikatutuwa ng ating mga manonood.

Dito naman sa pagbangga ng Meteor Garden sa Wowowin, tiyak na lalong magpapaulan ng kadatungan si Willie Revillame, at lalong marami ang matutulungan.

Continue reading below ↓

Samantala, kahit marami pa ring solid followers ang Ang Probinsyano, malaki-laki namang viewers ang nakuha ng Victor Magtanggol. Kaya hindi sila talagang tinambakan nang husto.

Kaya hindi naman bastang pa-relax-relax lang ang Probinsyano.

Kailangang pa nilang lalong pagandahin at gawing kapana-panabik ang kanilang programa para kaya nilang tapatan ang pakikipagbanggaan ng Victor Magtanggol.

JERRY OLEA: E, kasi naman, trailer pa lang ng Ngayon at Kailanman ay puma-Pangako Sa ‘Yo (orig version) na!

Si Iza Calzado, uma-Amor Powers (Eula Valdes).

Swak na swak pa rin sa panlasa ng Pinoy televiewers ang kuwento ng pang-aapi, pagbangon at paghihiganti.

Nakaka-stress para sa Team Kapuso ang prime-time ratings!


Continue reading below ↓

Iza Calzado in Ngayon at Kailanman

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results