Christian Bables, lalong dumami ang offers dahil sa Signal Rock

GORGY RULA: Paulit-ulit na nagpasalamat si Christian Bables na sa kanya napunta ang lead role sa Signal Rock dahil pagkatapos itong naipalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino, pinuri at ginawaran pa siya ng Special Jury for Outstanding Acting ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Dagdag dito, lalo raw dumami ang offers sa kanya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Christian Bables (right) with Signal Rock director Chito Roño and Regal Films producer Lily Monteverde

“We’re getting a lot offers after Signal Rock,” nakangiting pahayag ni Christian nang nakausap ng PEP Troika sa victory party ng Regal noong August 21.

“Nakakatanggap na po ang Asian Artists [Agency] ni Tito Boy Abunda ng a lot of offers for me.

"Hindi ko pa lang po puwedeng sabihin kung ano."

Pati ba sa talent fee ay tumaas na rin?

“Hindi ko po alam si Tito Boy na pong bahala!” natatawa niyang sagot sa amin.

Kaya nagpapasalamat si Christian kay Direk Chito Roño dahil talagang ipinaglaban daw nito na sa kanya mapunta ang role.

“Iba po kasi si Direk Chito, e. Kapag nagustuhan ka niya para sa project niya, iba siya magmahal, ilalaban ka niya.

“Kaya masaya po ako kasi ang laki ng opportunity na naibigay sa akin,” saad ng bida ng Signal Rock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang wish lang daw ni Christian ay mabigyan niya ng bahay ang kanyang ina.

“Kapag nakaipon po ako, gusto ko pong bilhan ng bahay si Mommy. Pangarap ko yun for her.

“Meron naman siyang bahay na naipundar, pero ayoko na po siyang nagwu-work.

"Gusto kong ako yung breadwinner ng family," seryoso niyang pahayag.

Sa ngayon ay nagma-manage daw ang mommy niya ng kanilang advertising company, at kaya pa naman daw nito dahil 52 years old pa lang naman ito.

Pero gusto raw niya sanang magpahinga na ito at siya na lang ang magtrabaho para sa kanyang ina at sa buong pamilya nila.

JERRY OLEA: Oh! Signal ba ito na ikinakasa na ng Regal Films ang pagpapalabas ng pelikulang Recipe for Love, kung saan love interest ni Christian si Cora Waddell?

Kasal na si Cora sa negosyanteng si Terrence Lloyd.

Don’t tell me na hihintayin pang mabuntis si Cora bago i-showing ang movie nila ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Oo, ipalabas na nga ang Recipe For Love bago tuluyang mabantilawan.

At sana, kasabay ng pagpuri sa acting ni Christian sa Signal Rock, maging mas markado pa ang role niya sa teleseryeng Halik, na naging dahilan kung bakit hindi niya natanggap ang Born Beautiful na ang ganda ng feedback sa trailer noong ipalabas ito sa PPP.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close