Mike Enriquez, babalik pa kaya sa 24 Oras pagkatapos ng kanyang medical leave?

NOEL FERRER: Nami-miss na ng mga tagasubaybay niya sa TV at radyo ang sumbungan ng bayan na si Mike Enriquez, na on medical leave ng ilang buwan na.


Sa wakas, nagsalita na rin si Sir Mike sa 24 Oras kagabi, August 22.

Inamin niyang pinagpapahinga siya ng kanyang mga doktor bilang paghahanda sa kanyang operasyon/medical procedure na pagdadaanan.

Sumasailalim siya sa gamutan para sa kanyang kidney at nakatakdang operahan sa puso sa Setyembre.

Positibo naman si Sir Mike na malalampasan niya ito nang maayos.

Ayon sa kanyang mga doktor, makakabalik siya sa kanyang normal na trabaho dalawa hanggang apat na buwan pagkatapos ng kanyang heart bypass.

Nagbigay rin ng pahayag ng pagsuporta ang GMA sa mabilis na paggaling ng Sir Mike Enriquez.

JERRY OLEA: Health is wealth.

Sa edad niyang 66, marapat lang na i-prioritize ni Mike Enriquez ang kanyang kalusugan kesa sa kanyang career.

Kung hindi umalis si Jiggy Manicad sa news department para pumalaot sa politika, siya na sana ang pumalit kay Mike Enriquez.

GORGY RULA: Matagal nang pinag-uusapan ang matagal-tagal na pagkawala ni Sir Mike sa ere.

Ang dami tuloy espekulasyon sa kanyang kalagayan. Mabuti at nagsalita na rin siya para malinaw na ang lahat.

Ang kasunod na katanungan, kailangan pa bang bumalik ni Sir Mike sa TV at radio?

Puwede namang managerial work na lang siya pag puwede na siyang bumalik sa trabahao, para less stress at puwede na siyang umuwi bago mag-24 Oras, di ba?

Siya pa rin daw kasi ang head sa radio, kaya hindi na siya siguro kailangang magpa-pressure pa sa pagbabalita sa radio at TV.

Kaya ngayon, ang dami nang nakalinyang pangalan na papalit sa kanya sa 24 Oras.

Pero ang narinig ko lang, paiba-iba muna ang mag-a-anchor at saka na sila pipili kung sino ang kukuning regular na makakasama nina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Sana tuluy-tuloy na ang paggaling ni Sir Mike.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN