Miss Granny at Crazy Rich Asians, parehong malakas sa takilya

by PEP Troika
Aug 23, 2018

JERRY OLEA: Tatlong Viva movies ang palabas ngayon sa mga sinehan.

Extended ang showing ng topgrosser ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang The Day After Valentine’s nina JC Santos at Bela Padilla.

Balik-sinehan (bale on its third week) ang Buy Bust ni Anne Curtis.

At nagbukas ang Miss Granny nitong Agosto 22, Miyerkules.

Reportedly, naka-PHP8M ang nasabing movie kung saan gumanap si Sarah Geronimo bilang 20-anyos na si Odrey de Leon.

Kasabay na nagbukas ng Miss Granny ang Crazy Rich Asians, kung saan balitang naka-PHP12M ito sa unang araw nito sa Pilipinas.


Continue reading below ↓

Patok sa North America ang Crazy Rich Asians kaya ikinakasa na ang sequel nito.

In fairness, relevant ang role ni Kris Aquino sa Crazy Rich Asians bilang supladitang prinsesa na malugod na chumika kay Rachel Chu (Constance Wu) sa loob ng simbahan.

Inokray si Rachel ng kanyang hilaw na biyenan (Michelle Yeoh), pero hindi siya nagmukmok at sa halip ay umeksena sa church wedding, at buong ningning na nakipagtsikahan sa importanteng panauhin.

NOEL FERRER: Very encouraging nga ang box-office returns.

After ng mas mababang final returns ng PPP this year—na PHP122M compared sa PHP140M last year—heto ang naitalang opening gross ng Miss Granny ni Sarah Geronimo, almost PHP8M, at PHP12M naman sa Crazy Rich Asians.

Maganda ring extended ang ilang PPP films sa mga sinehan, sa micro-cinemas, at pati na sa University of the Philippines.

With the coming of the KatNiel film (The Hows of Us) and Goyo, sana tuluy-tuloy na ang pagbabalik ng mga manonood sa mga pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Sana talaga!

GORGY RULA: Sa dami ng mga magagandang pelikulang ipinalabas nung Cinemalaya at sa PPP, kailangan pa rin talaga ng fans na makapanood ng mga pelikula ng paborito nilang artista.

Kaya na-miss din nilang mapanood sa screen sina Sarah Geronimo, James Reid, at Xian Lim.

Kaya tiyak na papatok din itong kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil matagal silang hindi napapanood ng milyun-milyong KathNiel fans.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results