NOEL FERRER: Naging mabunga ang markadong usapan tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Cinema Evaluation Board (CEB) kahapon, August 23.
Dinaluhan ito nina Liza Diño (FDCP chairperson), Christine Dayrit (CEB chairperson), Khavn dela Cruz (director, Balangiga: Howling Wilderness), Richard Somes (director, We Will Not Die Tonight), Ricky Lee (FAMAS head jury), Patrick Campos (Manunuri), at maraming filmmakers at practitioners.
FDCP Chair Liza Diño, CEB Chair Christine Dayrit, Direk Khavn dela Cruz, and Direk Richard Somes
Nais ulit naming magpasalamat kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pagpapagamit ng QCX para sa mga ganitong pagtitipon.
Sa pagkakaroon ng forum na ito, napalabas na hindi sapat ang pag-uusap in private o pag-iingay sa social media, kundi ang pagkakaroon ng paglilinaw sa mga proseso na dapat alam ng lahat.
Ang sabi nga, public office means public accountability and transparency.
Ang pinakamalaking rebelasyon kahapon ay buhat sa lawyer na kasama ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na nagsabing yung Internal Rules and Regulations (IRR) ay nagku-contradict to what is stated in the law that created the CEB.
So, paano na?
Ang tanong kahapon: Do we want a flawed CEB or no CEB at all?
Sabi nga ni Ricky Lee, magkaisa tayo na i-maximize ang gains sa CEB habang hindi pa nasasapinal ang nullification nito from the Supreme Court. Italaga ang mga nararapat.
Magbibitiw ba ang mga overstaying at may conflict of interests?
At magkakaroon ba ng pagbabago ng batas at magtsa-champion ng ganitong cause sa Senate at Congress?
Sana.
JERRY OLEA: Natawa ako sa komento ng isang lalaking dumalo sa forum ng filmmakers and cineasts kaugnay sa Cinema Evaluation Board (CEB) nitong Agosto 23, Huwebes, sa QCX, Quezon Memorial Circle, QC.
Aniya, “Wala akong trabaho. Puwede bang mag-apply para maging member ng CEB?
"P1,800 ang pakimkim sa bawat member ng CEB tuwing magre-review sila ng pelikula.
"Kung limang pelikula ang panonoorin nila kada buwan, malinaw na PHP9,000 iyon. Mabubuhay na ako roon."
Inamin ni CEB Chair Christine Dayrit na karamihan sa members ng CEB ay overstaying.
Presidential appointees sila.
Hindi kapit-tuko sa puwesto si Chair Dayrit. Nauunawaan niya kung ano ang delicadeza.
Handa siyang bumaba sa puwesto, basta may kapalit siya.
BINGO!
May mga naaalis sa CEB dahil natetegi.
Sa pagkakaalam namin, appointees pa ni PGMA ang karamihan sa members ng CEB.
Hinayaan lang ni PNoy ang mga nakaluklok doon.
Sa panahon ni Duterte, na bonggang-bongga muli si PGMA, walang agam-agam ang CEB members na mapapatalsik sila.
Pag-upo pa lang ni Liza Diño sa FDCP ay nagrekomenda na siya ng 20 bagong uupo sa CEB, at pina-follow up niya iyon, ngunit hindi pa inaaksyunan ng administrasyon.
Hinaing ni Ice Seguerra (kabiyak ng puso ni Liza), noong maupo siya sa NYC (National Youth Commission) ay may mga bagong tao na inirekomenda niya para makatuwang sa mga proyekto.
Ilang buwan na siyang nag-resign sa puwesto, pero hindi pa naaaksyunan ang kanyang rekomendasyon.
Kung natabunan ang papeles ng rekomendasyon ni FDCP Chair Liza, at hindi iyon masasagap ng “radar”... alam na!
GORGY RULA: Nung bago pa lang ang administrasyon ni President Digong, narinig kong naghahanda na ang mga miyembro ng CEB na mag-resign dahil puwede silang palitan anytime. Pero hindi naman ito natuloy.
Pinalitan lang ang ibang nawala na pero kailan lang sila ipinasok, at isa na nga rito ang naging kontrobersiyal sa isyu ni Ara Mina na si Rina Navarro.
Sabi ng ilan pang nakausap ko, kahit nung panahon ni PNoy, magri-resign na rin ang mga miyembro ng naturang ahensya, pero hindi natuloy at nanatili pa rin hanggang ngayon.
Siguro hintayin na lang natin kung ano ang plano ng Malacañang sa mga mga inirekomenda ni FDCP Chairperson Liza Diño.
Gusto ko ring purihin si Chairman Diño dahil nasagot niya nang maayos ang lahat na isyung na-bring up sa forum na ginanap kahapon.
Maganda na ring nagkaroon ng ganung pagtitipon para mapag-usapan nang mahinahon at nagawan ng paraang maresolba ang mga isyung dapat harapin.