Winwyn Marquez, nag-back out sa Pamilya Roces dahil sa sensitive scenes

GORGY RULA: Nag-alangan si Winwyn Marquez na sabihing hindi na siya matutuloy sa bagong drama series ng GMA-7 na Pamilya Roces, na idinidirek ni Joel Lamangan.


“Ayaw ko kasi sanang pangunahan sila. Pero hindi na nga po ako kasama dun sa Pamilya Roces,” pagkumpirma ni Winwyn nang natanong ito tungkol sa upcoming teleserye ng GMA-7.

“Meron kasing scenes na medyo sensitive nang konti na hindi siya in line sa dapat kong gawin.

"So we have to wait for the right project.

“I felt sad, siyempre excited ako na maka-work si Direk Joel.

"Nakausap ko naman siya, naintindihan naman ni Direk Joel, naintindihan naman ng buong production, and I’m very happy na walang bad blood or anything.

“Buti na lang, hindi pa ako nag-cause ng kahit na anong delay sa kanila kasi hindi pa talaga ako nagdi-day one,” dagdag niyang pahayag nang nakatsikahan namin sa victory party ng Regal noong Martes, August 21.

Maingat kasi si Winwyn sa kanyang image dahil active siya sa advocacy niya sa edukasyon ng mga kabataan.

Patuloy pa rin daw ang kanyang community engagement program kung saan namimigay siya ng mga libro at nagtuturo sa mga bata.

“Hanggang ngayon kasi, siyempre lalo na nagtuturo ako ng mga bata, ang advocacy ko sa kids.

"So, may limitations ako… lalo na sa TV, kasi every day napapanood, e.

"Hindi naman yung parang movie na one time lang siya, e.

"Eto kasi, TV, kailangan safe kami sa pagpili kung ano ang gagawin namin."

Sabi pa ni Winwyn, “Ngayon ay tuluy-tuloy pa rin yung community engagement program ko.

“Yung last ko, nandun ako sa Noveleta, Cavite. Nagbigay kami ng 200 books sa dalawang school dun.

"Nag-book reading kami. Nagbigay kami ng mga tsinelas.

"Parang one big party educational party for kids. Yun ang ginagawa ko ngayon, tuluy-tuloy naman siya."

Will always find time to do this. 2 school ang nabisita namin sa Noveleta, Cavite at maraming salamat po sa mga magulang, guro, mga estudyante at sa lahat ng mga taga noveleta sa napaka init ng tanggap saamin. kahit biglang bumuhos ang ulan tuloy padin lahat at nagawan ng paraan! Walng pagod na naramdaman! �?��? • • Thank JCI Asinderas at ibang JCI, Tita Ailyn, @krinkles8 @frostsky1990, @followmie, @povtagph, and Mason sa pag tulong po sa community engagement program! Besides our story telling and mini program for the kids around 500 books were donated, 100+ bags, more than 200 slippers, and 500 juices were also donated that day! God is Good! Maraming salamat sa lahat ng tumulong!�?��?�?��? • Please follow my fan page on FB to know more about this! #ReinaTeresita

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Sisimulan na rin ni Winwyn ang kasunod niyang pelikula sa Regal pagkatapos ng Unli Life.

Makakasama niya si Enzo Pineda sa pelikulang may working title na Throwback Thursday at ididirek ni Joey Reyes.

JERRY OLEA: Kung may nagsara mang pinto, may nagbukas na bintana sa career ni Winwyn.

Parehong premyado at respetado sina Direk Joel at Direk Joey, kaya tuloy lang ang pagsulong ni Winwyn sa showbiz.

Hindi ukol sa kanya ang nasabing TV series, pero meron namang ibang proyektong nakalaan sa kanya.

NOEL FERRER: Matatandaang naunsiyami ang paglipat ni Winwyn sa Kapamilya network at heto sanang Pamilya Roces ang bunga noon.

Oh, well, there should be a better project for her.

At para sa akin, sana magkaroon sila ng magandang proyekto ng kasintahan niyang si Mark Herras.

Teka, speaking of lipatan, bakit persistent ang balita ukol sa pag-oober da bakod ng isang malaking sikat at major star tulad ng nabalitaan mo rin, Tito Gorgy?

Naulit na naman ito kanina sa radio progran ni Igan Arnold Clavio.

Ang clue niya: may E at I sa first name, at may A naman sa apelyido.

Mukhang makikita natin siya mamayang gabi, ah. Matanong nga.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN