JERRY OLEA: Maayos ang timpla ng 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na OA nitong gabi ng Agosto 24, Biyernes, sa Araneta Coliseum.
Overture pa lang ay impressive na at nagpahiwatig na 'Overly Awesome' ang pagdiriwang ng career ni Ogie.
Patok sa audience ang mga patawa ni Ogie, “After 30 years, na-realize ko na ang dami ko palang fans... na matatanda.”
Kinumusta kapagkuwan ng singer-composer ang BP (blood pressure) ng mga ito.
Lapit nang lapit si Ogie sa audience at nakipag-selfie habang kumakanta, “Hindi kita masisi, makita ko man ang sarili ko... magpapa-picture din ako.”
Sa isang lola na nagpa-picture sa kanya, ang hirit ni Ogie, “Naalala ko si Manilyn [Reynes].”
Agad-agad ay may touching moments nang ipasa ni Ogie ang microphone kay Gary Valenciano (nasa front row) para ituloy ang pagkanta ng "Kailangan Kita," ganu’ndin nang magpugay si Ogie sa kanyang daddy at mommy (na 84 & 85 years old na, pero ayaw ibunyag kung sino ang 84 at sino ang 85).
"Mahal Kita, Walang Iba" ang kanta ni Ogie, sa harap ng kanyang ama.
Ipinasa ni Ogie ang mic sa kanyang ama, at itinuloy nito ang kanta sa harap ng ina ni Ogie.
Kani-kanya ng pasiklab ang mga panauhin ni Ogie na sina Moira de la Torre, Yeng Constantino, Rey Valera, Janno Gibbs, at Michael V.
Tawang-tawa kami sa mga hanash ni Vice Ganda, bago ito kumanta habang nagpi-piano si Ogie.
Hindi lumuha si Ogie nang maggitara habang kumakanta ang tatlong anak na sina Leila, Sarah, at Nate.
Bumirit nang bonggang-bongga si Regine Velasquez, at kwela ang Katinko jokes nila ng asawa.
Si Regine ang napaiyak sa concert ng “The singer, the songwriter... my superstar husband!”
Banta ni Regine kay Ogie matapos bumanat ng inspirational song, “Hindi ako magka-Katinko mamaya... humanda ka!”
GORGY RULA: Agree ako sa sinabi ni Regine na hindi madamot ang asawa niya sa mga ginagawa niyang kanta.
Lahat ay binibigyan, ginagawan ni Ogie ng kanta kapag hinihingan siya.
Di ba sabi nga ni Sir Noel, pati nga si Anna Dizon, ‘The Anna Dizon!’ binigyan ni Ogie ng kanta?
Naalala ko nung may Startalk pa kami, kapag kailangan ang kanta ni Ogie sa isa sa mga segment o kaya sa istorya namin, ang dali naming hingin through his manager Leo Dominguez, na walang bayad.
Ipinapahiram niya ang kanta niya na ganun-ganun na lang.
Hindi kagaya ng ibang singers na OA kung magpresyo sa kanta nila. Si Ogie, OA din sa pagiging mapagbigay sa mga kanta niya.
Kaya ganun na lang ka-proud si Regine sa asawa niya, at tiyak ganundin ang buong pamilya.
Kaya kahit itinama pa sa ghost month itong 30th anniversary concert ni OA kagabi, malakas pa rin, maganda ang feedback dahil magandang karma ang balik sa magagandang itinanim ni Ogie. Congratulations Ogie!
Pagkatapos ng successful concert na ito, magbabakasyon daw muna si Ogie, at sasama raw siya sa U.S. concert series ni Regine.
May balita kayang ikagugulantang natin pagbalik nila?
NOEL FERRER : Una, congratulations kay Ogie sa kanyang 30th Anniversary concert!
Hindi ko siya talaga makakalimutan dahil from “Peksman” na pinerform niya noong Freshman Orientation Seminar namin sa Ateneo hanggang ngayon, he has remained the level-headed friend of everyone and eventually, the industry leader that we would support.
That’s Ogie for you! And at last, a concert with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Hindi lahat ng artists ay nabibiyayaan na mag-perform with an orchestra (his wife Regine was able to do those before when she was in between network contracts) - but truly, Ogie deserves it!
What’s next? More songs and I heard, a musicale based on Ogie’s songs by ABS-CBN.
Again, thank you Ogie for the gift of music ad friendship!