Canada's Papa P--Patrick Guzman, may career pa sa Canada

by PEP Troika
Aug 26, 2018

NOEL FERRER: Tinagurian siyang Canada’s Papa P—Patrick Guzman.

Nasaan na nga ba siya ngayon?


Nang maka-chat ko ang kaibigang direktor na ngayon na si Beverly Vergel, ang sabi niya sa akin, in the works na ang isang sitcom para sa isang station sa Canada at si Patrick nga ang gagawing bida.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Beverly, based na sa Canada si Patrick na born and raised there.


Ang pagkakatanda ko kay Patrick ay isa siyang Swatch model sa Pinas noon at naging host ng Ready, Set, Go sa ABS-CBN noon at naging contestant pa kaming taga-Student Council ng Ateneo noon para mag-fund raising, at lumabas sa mga pelikula—ang huli na naaalala kong napanood ko siya ay sa Kung Ako Na Lang Sana with Sharon Cuneta kung saan siya lumabas bilang lalaking itinutukso at inirereto kay Sharon who turns out to have a male partner pala.

Continue reading below ↓

Kayo, mga Ka-Troika, naaalala niyo pa ba si Patrick Guzman?

Masaya itong Troika Throwback na ito, ha!

JERRY OLEA: How can I forget Patrick?

Ang lakas ng dating niya sa commercial, at agad akong nag-set ng interview sa kanya bago pa siya gumawa ng movie.

Nagpa-sexy rin siya, at naaalala ko pa ang love scene nila ni Rosanna Roces sa pelikulang Selosa (1997)!

GORGY RULA: isa siya dati sa mga guwapong co-hosts ni Cong. Vilma Santos-Recto sa dating musical show niyang Vilma.

Pero mabuti na lang sa Canada siya magkaka-show. Kung dito siya magbabalik, tiyak na mabubuhay ang intrigang kinasangkutan niya noon.

Hanggang sa pag-alis niya ay pinag-uusapan pa rin ang napakayamang negosyanteng na-link sa kanya.

Well-maintained daw siya noon na kayang tustusan ang bisyo raw niya dati.

Baka ibang bisyo ang naglalaro sa isip niyo. Ang alam namin, madalas na nakikita raw ito sa casino, e.

Hindi nasagot ni Patrick ang isyung iyun, dahil bumalik na ng Canada.

Continue reading below ↓

At least may career pa rin pala siya roon, at hindi rito na maiintriga lang siya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results