Pinay Wonder Woman na si Ameera Johara, nangangarap ding maging bida

JERRY OLEA: Kakuntsaba ng kontrabidang si Ava (Jackie Rice) ang papel ni Ameera Johara sa Kapuso drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Tinagurian siyang Pinay Wonder Woman, at in fairness ay may hawig siya kay Gal Gadot.


Nag-e-enjoy ba siya sa papel na kontrabida?

“Opo, gawa po nang malayo iyon sa reality ko,” nakangiting lahad ni Ameera.

“Nag-e-explore po ako. Hindi naman po ganun kalayo sa pag-e-explore. Pero nae-explore ko pa rin po.

“Ang saya pong mahirap!”

Sino ang idol niya sa mga nagkokontrabida?

“Ahmm, let’s see... Personally po, gawa nang nakasama ko rin po siya, natutuwa po ako kay Ate Jackie [Rice],” seryosong tugon ni Ameera.

“Gawa ng... kung off camera po, kung nahihirapan po ako, hindi po niya ipinaparamdam sa akin na mahihiya akong magtanong.

“Minsan, ako ang tinatanong niya kung kailangan ko ng tulong. Mga ganun po.”

Nangangarap din siyang maging bida?

“Opo! Lahat naman po!” bulalas pa ni Ameera, na mahilig magkawanggawa.


GORGY RULA: Sure talaga sila sa Ameera Johara na screen name? Beking-beki, huh?

Pero ibang-iba ang dating ng name na bagay naman sa kontrabida role.

Pero sa totoo lang, thankful si Jackie Rice sa Hindi Ko kayang Iwan Ka dahil nagmarka ang kontrabida role niya, at lalong bumongga ang career niya.

Kahit kontrabida, ang daming nagkagusto sa kanya at may isang apparel ngang kinuha siyang endorser, na malapit na siyang i-launch.


NOEL FERRER: Sa StarStruck 3, isa si Jackie sa iilan na lang na aktibo pa rin sa showbiz.

Ang iba pa ay sina Arci Muñoz, Vaness del Moral, at Vivo Ouano.

Wala na ang StarSteuck Ultimate Survivor na si Marky Cielo.

Nag-concentrate na sa pagnananay si Iwa Moto, samantalang si Gian Carlos naman ay di na natin naririnig.

Good luck kay Ameera Johara. Sana bagayan ng pangalan niya ang styling at personalidad niya.

Will she survive? Or dream and believe lang siya tulad ng iba?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN