Crazy Rich Asians, No. 1 pa rin sa North America; Miss Granny, maabot kaya ang PHP200M target?

JERRY OLEA: Nakakalukring! Wagi pa rin sa takilya ng North America last weekend (Agosto 24-26) ang Crazy Rich Asians.

Tinatayang $25M ang hinamig ng Crazy Rich Asians (kung saan bonggacious ang cameo ni Kris Aquino) sa 2nd weekend nito sa US at Canada, at humigit-kumulang $76.8M na ang domestic gross nito sa 12 araw.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-$7.1M na ito sa 12 international markets, kaya bale $83.9M na ang worldwide gross nito.

Ayon sa Box Office Mojo, $1.8M ang opening gross nito last weekend sa Singapore.

Iyon ang pinakamalakas na opening ng rom-com sa Merlion City.

At sa Pilipinas, humamig ito ng $1.5M.

Bale naka-PHP82.7M na ang Crazy Rich Asians sa loob ng limang araw.

Tweet ng Viva Films, ang kasabay nitong Miss Granny (ni Sarah Geronimo) ay naka-P57M na—PHP7.8M noong Miyerkules (Agosto 22), PHP6M noong Huwebes (Agosto 23), PHP8.4M noong Biyernes (Agosto 24), PHP13.8M noong Sabado (Agosto 25), at PHP21M noong Linggo (Agosto 26).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang araw pa lang sa lupang hinirang ay naka-PHP12M na ang Crazy Rich Asians.

Panalo!

GORGY RULA: Napadaan ako kanina sa cinema ng SM Megamall, mahaba-haba ang pila ng mga kumukuha ng ticket.

Inaasahang mas dadami pa ang manonood mamaya dahil walang trabaho.

Maaaring lalong hahataw ang Miss Granny, pero siyempre may Crazy Rich Asians pa at iba pang pelikula.

Ang dinig ko lang kasi, PHP200M ang target ng Viva para sa Miss Granny. Ewan ko lang kung maabot nila ito.

Papasok na ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Miyerkules, August 29, kaya tingnan natin kung alin sa dalawang pelikulang ito ang makakalagpas sa record na na-set ng Sid and Aya.

NOEL FERRER: Kapapanood ko pa lang ng Crazy Rich Asians. Puno ang sinehan sa TriNoMa.

Level talaga ito ng mga rom-com ng Viva Films ala-Sharon Cuneta of before.

Feel-good at can identify tayo sa mga characters ng... ikaw, Tito Gorgy, sa mga nagma-mahjong; at si Tito Jerry naman sa council of elders na taga-imbestiga at research ng mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana dumami pa ang manood ng Miss Granny, pero mixed reviews ang natatanggap ko ukol dito.

Parang mas grabe ang frenzy sa The Hows Of Us, na pati mall show sa Sta. Rosa, Laguna kahapon ay nasaksihan ko mismo na dinumog ng mga tao.

Siguro mas nakatulong pa kung natuloy ang pagpapalabas ng guesting ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice kagabi, August 26.

Sana nakahikayat pa ng mas maraming tao ang pagpapakatotoo niya dun, pero ang sabi’y hindi raw pumayag si Mommy Divine?

Ayun, good luck kung maka-PHP200M ang Miss Granny. Yung maka-PHP100M nga, fingers crossed pa.

Hala, next ko nang papanoorin iyan ngayon. Long weekend naman.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close